Page 71

412 10 2
                                    

Page 71

The bid

[Leia]

HEAVEN OPENED the car door for me. Inilahad niya ang kaniyang kamay upang alalayan ako paglabas at malugod ko iyong tinanggap. Nasa parking area pa kami at naghihintay sa pagdating ni Lawrence. Ilang minutes lang ang lumipas at dumating na ito with his date.

Iyong girlfriend niya. The same girl na nakita ko noon sa ospital.

"Finally." Ani Ysmael pagkakita sa dalawa. He smirked.

Noon ko lang namasdan nang malapitan iyong girl.

She was tall and sexy. Maputi at may magandang mukha. She was wearing a tube black dress na abot hanggang lampas tuhod. Mukha siyang sopistikada at the same time ay conservative. Yung facial features niya, almond black eyes, matangos na ilong at manipis na labi. Mukha siyang model sa tangkad at tindig.

"Guys, this is Charity." Pakilala ni Lawrence sa kanyang date.

Isa isa kaming bumati sa kanya at hindi nakaligtas sa akin ang matagal niyang pagtitig sa akin.

Wala naman akong masabi.

Maybe she was thinking of something. Baka kailangan ko siyang kausapin to clear some issues.

I smiled at her sweetly and offer my hands. "Hi. Leia pala."

"Chary." Matipid siyang ngumiti sa akin at tinanggap naman yung kamay ko.

"It's nice to finally meet you. Ito ang third time na nakita kita." Nakangiting saad ko after.

Bahadya siyang napakunot noo. "Third time? I believe, second time pa lang. Una sa may ospital."

Mahina akong umiling at ngumiti uli. "No. Third time na para sa akin."

Nakita ko ang pag-awang ng kanyang labi at pagkalito pero hindi agad siya nakaimik.

"Leia?" Agaw pansin sa akin ni Lawrence.

Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko ang bahadyang pamumuna sa kanyang tingin.

Natawa ako ng lihim. "I'm just saying." Muli akong tumingin kay Chary. "You're so pretty."

"Ah, thanks. Ikaw din naman." Matipid siyang ngumiti.

Heaven approach me after at naging abala na si Lawrence sa kanyang date.

Si Em ay nauna nang pumasok sa venue since isa siya sa curator ng event kaya kami na lang nina Bea at sina Lawrence ang naroon.

"Leia." Agaw pansin sa akin ni Heaven nang makalapit na ito sa harap ko, inilahad niya sa harap ko ang hawak niyang isang black laced masks na may gothic vine na design. It was so pretty.

"Let's go in?" Aniya.

Mahina akong tumango at ngumiti.

Marahan niyang isinuot sa akin ang mask, hinayaan ko naman siya. Huminga siya nang malalim pagkatapos. Bahadya ko na lamang na in-adjust yung mask para maging komportable sa akin pagkatapos ay napansin ko ang paninitig ni Heaven. Napatitig ako sa kanya pabalik.

"Bakit?"

"I can't believe you're here with me tonight. I'm so happy." Mahinang aniya sapat lamang para marinig ko.

Kinilabutan ako sa kanyang sinabi at pilit ngumiti. "Salamat Heaven. Natutuwa din akong makasama ka ngayong gabi. Saka..... sina Bee din... syempre. "

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon