Page 73

437 10 1
                                    

Page 73

True love

LUMAPIT SA tabi ko si Heaven habang pareho kaming nakaharap sa pool at nakatalikod sa pwesto nina Vann.

Wala na akong nagawa kundi aminin ang totoo kay Heaven.

Nandito si Vann. He found me. May magagawa pa ba ako?

"Hindi naman pala siya gwapo tulad ng sabi mo." Anas ni Heaven.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi gwapo?! Ayy! Grabe sya! Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mga mata. "Huwat?"

Tinignan niya ako at ngumiwi. "I'm just saying. Mas gwapo pa rin ako kesa sa kanya. Tignan mo naman. May dimple pa ko. You exagerated your story."

"Grabe ka Heaven ah. Gwapo kaya siya. Ano naman kung may dimple ka at siya wala? Ibig sabihin kasi ng dimple mo, abnormal ka." Saka ko siya pin-noke sa pisngi kung saan yung pinagmamalaki niyang dimple.

"Aww! Defensive agad." Heaven frown.

Nilingon ko si Vann. Nakahalukipkip na siya at masama ang tingin sa min. Agad akong nagbawi ng tingin.

"Mukha pa siyang palaaway."

"Ikaw yung unang um-approach kanina. Muntik mo na siyang saktan." Siya talaga ang sinisi ko.

"Well, I just acted by nature. He kissed my girl. Should I just stand and watch?" He hissed.

Bumagsak ang balikat ko..... "Heaven, alam mo naman na--"

"Oo." Sansala niya agad sa sinasabi ko. "Alam ko na ang sasabihin mo. Sasabihin mo na marami nang nagbago sa'tin. Na, nagbago ka na. That you like me but not the same like as before." Mapait siyang ngumiti.

"Heaven?" Hindi iyon madali.

"Okay. I understand this situation." Humarap siya sa akin at huminga ng malalim. "Sige na. Okay na ako. Okay na."

"Galit ka pa rin."

"Galit pa rin ako pero naintindihan ko na. Kaya okay na. Okay na talaga."

Bumuntung hininga ako. Pilit akong ngumiti sa kanya. Alam ko na napipilitan lang siya pero mas mainam na muna iyon kesa iba. "Salamat."

Sabay kaming naglakad pabalik sa mga kasama namin.

"Okay na kayo?" Salubong sa min ni Bea.

Tumayo ako sa tabi ni Em at tumingin agad kay Vann.

Nagkatinginan kami at matipid akong ngumiti sa kanya. Pinanliitan niya ako ng mga mata saka pasimpleng umiwas ng tingin.

Napasimangot ako. Problema niya?

"Okay na." Tango ni Heaven.

"I guess wala namang dapat pagtalunan sa bagay na ito." Wika ni Ysmael sa ming lahat. "Good friend naman pala ni Leia sina Xyrus at ang bago nating COO."

Tumango si Heaven. "Right. Sinabi nga ni Leia." Bumaling si Heaven ng tingin kay Vann. "Pasensya na sa inasta ko kanina. I didn't know."

Hindi agad umimik si Vann. Mataman niyang tinitigan si Heaven sandali. "I should apologize also." Huminga siya ng malalim. "Sorry."

Tumitig ako kay Vann at nang lumingon siya sa akin ay pinagkunutan niya ako ng noo. Nagkibit balikat ako at ngumiti.

"Sa tingin ko ay kailangan muna nating iwan sina Leia. Baka may pag-uusapan silang importante." Wika ni Em. Nagkatinginan kami tapos ay tinapik niya ako sa balikat. "Sa loob na uli kami."

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon