Page 12
I like you
Nanlalata na ako ng bumalik sa department namin. As usual. Walang pumansin sa akin maliban kay Tina. Pero hindi ko rin siya nakausap ng matagal at maayos. Isang tanong, isang sagot lang ako.
Hindi katulad ng nakasanayan ko noon. Hindi na ako nag-paiwan o nagpahuli sa pag-uwi. Sinabayan ko si Tina palabas at okay lang naman sa kanya.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Tina habang nasa waiting shed kami at naghihintay ng masasakyan.
Tumango ako ng mahina.
Unang nagpaalam si Tina dahil magkaiba pa rin naman kami ng dyip na sasakyan. Hanggang mamalayan ko na nag-iisa na lang ako sa waiting shed. Hindi ko agad napansin dahil lutang ang utak ko.
Ayaw ko pa rin sanang umuwi. Kapag ganitong mabigat ang loob ko, kailangan ko munang makapagmuni muni sa mga nangyari ngayon.
Nagsalubong ang mga kilay ko ng biglang may huminto na sasakyan sa tapat ko. It was familiar at ng bumaba ang sakay nito ay nasiguro kong tama ang aking hinala.
It was Heaven.
Napatitig ako sa kanya habang umikot siya papunta sa pwesto ko. Hindi ko alam ang ire-react ko.
"Let's talk Leia." Mahinahon niyang wika nang nasa harap ko na.
Hindi naman ako nakaimik pero hindi din ako tumalima.
Mataman nya akong tinitigan. "Please?" Mahinang aniya.
Parang piniga ang puso ko sa pakiusap pa lang na iyon. Kahit alam kong mali at hindi totoo.
Mahina akong tumango. Inalalayan niya ako nakasakay sa kotse niya. Ikinabit ko ng maayos ang seatbelt at tahimik na tumingin ng deretso.
"Kumain muna tayo. My treat."
Bumuntung hininga ako. "We'll just talk right?"
Hindi siya umimik. Hindi ko na rin nakita ang reaction ng face niya dahil sinikap ko na huwag mapatingin sa kanya. Narinig ko na lamang ang mabigat niyang pagbuntung hininga.
Lumipas ang isa o mahigit pang oras ng byahe bago ko nakilala ang lugar na pinuntahan namin. Sa malayo pa lamang ay nagtaka na ako. Pero hindi ako makapagsalita para magtanong.
Bakit dito kami nagpunta?
Salubong ang kilay ko habang pababa ng kotse niya. Hindi ko na hinintay na ipagbukas niya pa ako.
Tumingin ako sa paligid. It was weekdays so i guess hindi ganun karami ang tao sa lugar. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit sa ganitong lugar kami nagpunta. Sa isang amusement park?
Why?
"Let's go." Aniya at inilahad ang palad sa akin.
Tumingin lamang ako sa nakalahad niyang kamay pero hindi kumilos. Butterflies in my stomach.
Napatungo siya ng ulo at bumuga ng hangin. "Okay. Kumain muna tayo." Aniya.
Nagpatiuna siya sa paghakbang pero ng sumunod na ako ay bahadya siyang huminto at sinabayan ako sa paglalakad.
Wala na akong sinabi.
Kumain kami sa loob din ng malaking establishment but i was just quite. Pinanindigan ko na lamang iyon.
Inaya niya ako na magpunta sa loob ng park. Nagpunta muna kami sa may part na pwedeng makapagrelax.
Nakatingin ako sa tubig kung saan nakababad ang mga paa namin at may maliliit na isdang naroroon at panay ang kiliti sa akin. Hindi ko mapigilan ang tawa ko ng mahina. Napapangiti ako at nakikiliti.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Художественная прозаBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...