Page 45
Her name was....
[Leia]
Parang gusto kong kumanta ngayon....
~ It's a small world afterall.... It's a small world afterall. It's a small world afterall. ~
Kainis naman kasi. Sa dinami dami ng pwede kong mameet sa liblib na bayan na ito ay iyon pang mayabang na lalake na yun ang nakita ko! Yung lalake na yun na feeling gwapo, feeling kanya ang buong Pinas! Pagka-yabang! Hambog!
It's a small world nga talaga.
Napabuga ako ng hangin.
At bakit naman tila lalong lumala ang luwang ng turnilyo sa utak ng lalakeng iyon? Kakaiba siyang nilalang ah. Dati, mayabang na siya at arogante. Pero ngayon, 'di lang siya ganun kundi naging madamot pa at mapanbintang tapos lalo pang lumala ang kayabangan niya!
Grabe siya! Grabe siya talaga!
Hindi pa ako nakakilala ng taong kasing-ugali niya. Grabe! One of the kind talaga!
Napailing na lang ako sa sarili.
Haist. Mabuti pang iwasan ko ang isang iyo dahil mukhang matutuyuan ako ng dugo sa tuwing magkikita kami.
"Parating na daw yung ibang bata." Wika ni Ayumi ng lumapit ito. Hawak niya pa ang sariling cellphone at nagte-text pa.
Tinignan ko siya. "Okay."
Binalingan ko ng tingin iyong clearbook na nasa harap ko. Mukhang madali naman ito. Kinapa ko sa keyboard ng hindi dinidiin iyong mga daliri iyong mga nota na nakasulat sa piesang nasa harap.
"May itatanong pala ako." Hindi na talaga ako mapalagay. Nilingon ko si Ayumi.
Patuloy pa rin ito sa pagtext. "Ano yun?"
Huminga muna ako ng malalim. "Iyong lupain na katabi ng sa simbahan. Yung sa part ng tinutuluyan ko na bahay. Kaninong lupain iyon?"
"Iyon?" Natigil siya sa ginagawa at tumingin sa kung saan. Nag-isip. "Sa bandang side kung saan ka nakatira.... sa tingin ko.... lupain iyon ng..... mga.... Buenaventura."
Bahadya akong napaawang ng labi.
Tunog mayaman.
"Bakit?" Tinignan niya ako na nagtataka.
"Wala." Mabilis kong iling at umiwas ng tingin.
"Malaki ang lupain ng mga Buenaventura. Sa totoo lang, itong lupa ng Parokya ay dating sa kanila bago pa nila idinonate sa simbahan."
"Oh?!" Nagulat naman ako sa revelation na iyon.
Kung ganun.... may ipinaglalaban naman pala ang kumag na yun! Kanila pala ang lupain ng simbahan....
Pero noon naman iyon, Leia. Noon yun!
Tsk. Umiling ako.
"Bakit mo pala natanong?" Nagtatakang tanong niya sa kin.
Pilit akong ngumiti. "Wa-wala naman. Na-napansin ko lang yung harang kanina. Yung railings na boundary. Mukhang malawak kasi." Hindi ko mabanggit na na-encounter ko yung isa sa nakatira dun.
Tsk.
"Nakapasok ka na ba roon? Gusto mo bang magpunta?"
Gulat akong napatingin sa mukha niya. "Hah??! Hindi! Na-curious lang ako kaya ko natanong."
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...