Page 4

820 21 0
                                    

Ayokong masanay

Kaya pala kahit gustong gusto kong kiligin sa nagaganap ay hindi ko magawa. May sakit na pala ako.

Haist.

Of all moments naman ngayon pa.

Ngayon pa na unang beses kaming magde-date ni Heaven. Ngayon pa na unang beses na nagkausap kami ng matagal.

Ngayon kung kelan yung pinakapapangarap kong moment with Heaven ay dumating, napurnada pa.

Malas talaga ang ulan na yun pero swerte din.

Magkasabay kaming naglakad ni Heaven papalabas ng building. Nauuna sina Lawrence at Ysmael.

Agad silang nagpaalam dahil may kanya kanya silang sasakyan. Si Heaven naman ay iginiya ako sa itim niyang Fortuner. Inalalayan niya pa ako na makasakay.

Dyahe. Nanghihina na talaga ako. Makakatulog talaga ako nito pero gusto ko pa sanang makausap ng matagal si Heaven. Wala ng pagkakataon na katulad nito.

"Dapat sinabi mo na masama ang pakiramdam mo." Wika ni Heaven nang magsimulang ipaandar ang makina ng sasakyan. Hindi pa naman iyon umabante. Lumingon siya sa akin. "No. Dapat alam ko yun. Sorry."

Umiling ako. "Hindi ko din naman alam na mataas na ang lagnat ko. Fair lang." Then pilit akong tumawa.

"Nagagawa mo pang magsalita ng ganyan." Napabuga siya ng hangin at ipinaabante na yung kotse. "Gusto mo bang dumaan muna tayo sa botika?"

"Nakainom na ako ng gamot." Matipid kong sagot. Napapikit na ang mga mata ko sa antok.

Wag muna please....

Gusto ko pang makita si Heaven.

"Marami sana akong itatanong but you can rest muna." Mabilis niya akong sinulyapan. "Don't force yourself. Just take a rest."

Bumuntung hininga ako at sumandal sa upuan. Tuluyan na akong nahatak ng antok.

Nang maalimpungatan ako ng gising ay nasa tapat na kami nang apartment. Automatic akong napaupo ng deretso.

Shet.

"Finally, awake."

Napalingon ako sa tabi ko at nakita si Heaven na bahadyang naka-harap ng upo sa akin at nakangiti.

Bakit siya nakangiti?

Akala ko nananaginip lang ako na ipinakilala ako ni Heaven sa dalawa nitong friends tapos hinatid niya ako pauwi.

Pagtingin ko sa labas ay madilim na.

Aww, shet! Half hour lang ang biyahe ko pauwi pero ngayon inabot na ko ng dilim. That means....

Nag-iinit ang pisnging napatingin ako kay Heaven.

"I-I'm sorry." Nahihiyang wika ko. "Sana ginising mo ko."

"I can't afford to ruin your peaceful sleep." Nakangiting aniya. "And i wonder what you are dreaming. Napapa-smile ka kasi."

"Oh?" Nagulat ako at lalong nagblush.

Kanina niya pa ako pinapanuod na tulog? Bakit?!

"This wasn't what i expected for our first date but it's okay. Ngayon lang nangyari na tinulugan ako ng kadate ko."

Umiling ako ng sunod sunod. "Sorry. Sorry talaga. Promise hindi na mauulit."

"Whoa wait!" Natawa siya bigla tapos ay seryoso siyang tumitig sa akin. "Anong hindi na mauulit? You mean, hindi ka na papayag na makipagdate uli sa akin?"

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon