Page 21

490 11 0
                                    

Page 21

Kaming dalawa


"Puro kayo kalokohan." Sita ni Bea kina Lawrence at Ysmael.

"Naaappreciate lang namin ang pinagbago ni Leia. Why so bitter?" Ani Ysmael kay Bea.

"Hul!" Nanlake ang mga mata ni Bea. "Bitter? Ako? Why? Why?" Padabog itong lumapit kay Ysmael at humalukipkip sa harap nito.

Hinarap naman siya ni Ysmael. "'Cause you're jealous."

"Kapal ng face talaga! You're not even my type!"

"Ahg.... hanggang kelan niyo ba itatago sa isa't isa ang nararamdaman niyo?" Wika ni Em sa dalawa.

Gulat na napatingin sina Ysmael at Bea kay Em.

"Hah?! Anong pinagsasabi mo?" Si Bea.

"Kung attracted kayo sa isa't isa sabihin niyo na lang." Nakangising ani Em.

Natawa naman ako. "Oo nga."

"Oo nga, tol." Naki-sang-ayon si Lawrence.

"Grabe ang imaginations niyo ah!" Nakasimangot na wika ni Bea.

Nakatawang nagpalitan kami ng tingin nina Lawrence at Em.

"Oo nga. Di magandang joke yan." Si Ysmael. "Lalo ka na, wifey!" Bahadya niya pang itinuro si Em. "Bakit inirereto mo ko sa iba?"

"Cause you're not my type." Nakaingos na sagot ni Em.

"Ouch!" Nailing si Ysmael.

"Ang gulo n'yo." Naiiling kong bulong.

"Tama." Sang-ayon ni Lawrence.

Nagkatinginan kami at sabay natawa.

"SAMANIEGO!"

Biglang may sumigaw kung saan. Sabay sabay kaming natigilan at napatingin sa kung saan galing iyon then nakita namin si Heaven na nasa ibaba at nakatingin na sa amin.

Mabilis ang paghinga nito habang nakatuon ang tingin kay Lawrence. Tapos ay lumipat ang tingin niya sa kin.

Kumalabog ang puso ko sa biglang kaba. Alanganin akong ngumiti sa kanya at nagtaas ng isang kamay para kumaway.

Pero mukhang hindi siya natuwa na nakita ako. Napatiim bagang lamang siya at umiwas ng tingin. "Sub-player." Aniya kay Lawrence.

"Okay." Tango ni Lawrence.

Tumalikod at naupo sa benches nila si Heaven.

Napatikom ako ng labi.

Galit ba siya dahil nandito ako.

Nauna ng bumaba si Lawrence.

"Lapitan mo Leia." Bulong sa kin ni Em saka inabot ang isang malamig pa na bottled water.

"Hah?" Nataranta pa ako at napatingin kay Heaven na nakatalikod ng upo mula sa amin.

Tss.

Atubili akong humakbang pababa at papunta sa kinauupuan ni Heaven. Tumayo ako sa gilid niya.

"Heaven?" Saka ko inilahad iyong bottled water sa kanya. "Water?"

Umismid siya pero hindi nag-angat ng tingin sa akin.

Napasimangot ako. Sinulyapan ko iyong mga kasama nilang babae na nakapwesto sa malayong dulo ng benches. Nakatingin sila sa akin, tatlo sila at pawang mga naka-porma.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon