Page 22

504 10 0
                                    

Page 22

Take care

Kinakabahan na ako. Ngayon ko lang narealize na kaming dalawa lang pala ang magkasama sa condo unit niya. Galing lang syang banyo at bagong paligo. Shet! Nalalanghap ko pa ang bango ng gamit niyang sabon at after shave.

Sobrang init ng buong mukha ko. Nangangapal na nga eh.

Aisht. Panu ba ko napunta sa sitwasyon na ito? Shocking update.

"You play guitar too?"

Napalingon ako ng magsalita siya. Saka ko lang nakita na nasa may tapat na siya ng isang malaking cabinet at nagsusuot ng puting t-shirt. Naka-board short na rin siya. Thanks God.

Napalunok ako at pinagmasdan siya habang nakatalikod sa akin.

Iniisip niya kayang posibleng may mangyari na sa min ngayon? Kapag nangyari na yun, game over na, hindi na kami magkikita uli?

No. Iling ko sa sarili. Magkikita pa rin kami sa office kung magkataon pero magiging iba na.

Ibang iba na.

"What are you thinking?"

Bigla akong nahimasmasan sa boses niya. Nasalubong ko ng tingin ang pagtitig niya. Nakatingin na pala siya sa akin.

Nagblush naman ako. "A-ano -- Wala." Sabay iwas ng tingin.

"You can tell me."

Sa peripheral view ko ay nakita ko siyang humakbang papunta sa pwesto ko. Nag-angat ako ng tingin at sinundan siya na lumapit muna sa side table ng kama at inabot ang phone niya. Sinilip niya iyon bago ibinaba at naupo na sa gilid kung nasaan ako. Naupo siyang paharap sa akin. Naka-angat sa kama yung isang binti niya samantalang nakasayad sa sahig ang isa pa.

Tinignan ko siya.

Dahil lang ba bagong ligo siya kaya ang gwapo niyang tignan. But i guess lagi naman siyang ganito sa paningin ko. Kahit kaninang naglalaro sila at pawisan. Ang gwapo niya pa rin.

God. Malakas yata talaga ang tama ko sa lalakeng ito.

Sh*t!

Sumisirko sirko na naman ang puso ko sa pwesto. Kainis.

"Spacing out again?" Ngumiti siya.

Napasinghap ako. "So-sorry." Umiwas ako ng tingin at kinalabit ang kwerdas ng gitarang hawak ko pa rin. Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang matulala?

"Com'on? Kinakabahan ka ba?"

"Hah?" Saka ako napalingon sa kanya.

"Don't worry. Parating na naman daw sina Ysmael kasama ang mga bestfriends mo."

Nabigla ako. "Talaga? Dito?"

Natawa siya ng konti. "Yes. Dito. Sabay sabay tayong magdi dinner."

Bahadyang napaawang ang labi ko sa gulat.

"Do you like that?" Nakangiting aniya.

Tumango ako. "Hmm."

"Good." Inabot niya ang pisngi ko at kinurot ng mahina. "You're so pretty, babe."

I blushed.

Mukhang nagiging habit na niyang kurutin ang pisngi ko ah. Parang bata lang.

Ngumiti ako ng konti then bigla akong may naalala. "Syangapala." Tinignan ko siya. "Ano palang nangyari kanina? Ba't nagmamadali kang umalis?"

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon