Page 63

414 9 1
                                    

Page 63

At peace

[Leia]

NABIGLA TALAGA ako sa sinabing iyon ni Vann.

Aaminin ko. Kinilig ako. Konti lang.

Ewan ko ba kung bakit gayun na lamang ang epekto ng sinabi siya sa sistema ko. Nakadama ako ng ligaya at alam kong wala iyon sa lugar.

"Alam ko yun noh!!" Saka ko siya inirapan ng bonggang bongga.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya. Baka pinagtitripan niya na naman ako eh.

Nagpatiuna na ako sa paglalakad at nang marating ko ang bukana ng dining area, napahinto ako.

Nakita ko sina Yumi at Xyrus na nakaupo na sa harap ng mesang mahaba paharap sa kinatatayuan ko. They are hand gesturing me something o pati yung face expressions nila kakaiba.

Kinabahan tuloy ako.

Napatingin ako kay Senyora Alva na nasa punong gitna ng mesa at may kausap siyang babae na nakatalikod ng upo mula sa akin.

Gayun pa man. Dama ko na may something sa babaeng ito. Aside pa sa mukha siyang maganda at matangkad kahit nakatalikod.

Napahinto sa may bukana ng dining area si Vann. Huminto siya sa tabi ko at natigilan din.

Nilingon ko siya na bahadyang nakaawang ang labi.

"Sky, hijo, sa wakas at narito ka na!" Masiglang masigla ang boses ni Senyora nang batiin si Vann. Nakangiti siya na halos abot sa tenga.

Napalunok ako. Hindi ko agad naisip kung anong gagawin. Masyado akong nabigla sa sitwasyon. Feeling awkward.

"Stella?" Baling ni Senyora sa akin.

Pilit akong ngumiti.

"Good evening po." Humakbang na ako palapit kay Senyora. Nagmano ako rito at humalik sa pisngi.

Nanatili naman si Vann sa pwesto at nakatitig sa babaeng nakaupo sa harap ng hapag sa gilid ni Senyora. Para siyang namatanda.

"Stella, I want you to meet Melissa." Ipinakilala ako ni Senyora sa kanyang bisita.

"Hi." Nakangiting bumaling ako rito.

Melissa? So..... siya pala.

The very moment na tumayo siya sa harap ko..... The very moment na nakita ko ang mukha niya't kabuuan.

Sigh.

Nanliit ako.

She was so pretty. Parang buhay manika. Ang perfect.

Now I know kung bakit gayun na lamang ang panghihinayang ng marami sa kanila ni Vann. Kung bakit gayun na lamang ka-bitter si Vann. Kung bakit sobrang mahal niya ito.

Napalunok akong muli.

Tumayo ito at nakipagshake hands sa akin. "Hello. I'm Melissa. Mel na lang. Sabi ni Lola ay bagong friend ka daw ni Sky. I hope we will be good friends also." Nakangiting anito.

Para ako naman ang tinamaan ng kidlat sa pwesto.

Potek! Even her voice and accent ay napakagandang pakinggan.

Higit na matangkad sa akin si Melissa. Nagmukha tuloy akong bata habang magkaharapan kami. We are both slim and porcelain skin. Mas buhay nga lang ang kaniya and its shining and glimmering sa kakinisan. Parang mahihiya na lang yung langaw na dumapo sa kanya. Baka nga madulas lang sila. Hoho..... I think mas may laman lang ng konti si Mel.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon