Page 74

468 10 0
                                    

Page 74

Stay


KAILANGAN NI Vann na sundin muna ang kanyang Ama kaya bumalik muna ako sa mga kasama ko. Hindi makapaniwala si Bea na makilala si Vann. Si Em naman ay tahimik at nakangiti lang. Alam ko na sa apartment na ko niyan i-interogate. Nang dumating ako sa mesa namin ay nagpaalam na rin si Chary na uuwi na. Hinatid ito ni Lawrence kaya kami na lamang tatlo kasama sina Ysmael at Heaven ang naiwan.

Inaya ni Ysmael para sa isang sayaw si Em. May lumapit kay Heaven na isang kakilala at nakipagkwentuhan kaya kami ni Bea ay nagpunta na lang muna sa restroom. Nauna akong lumabas mula sa restroom bago si Bea. Tumayo ako sa gilid ng hallway para maghintay.

"Leia?" Someone called me.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses tapos ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Sir Louie." Napangiti ako. Syempre hindi ko makakalimutan ang isang mabuting superior sa akin.

Lumapit ito sa kin at ngumiti. "I can't believe it. Akala ko namamalikmata lang akong makita ka. Nakabalik ka na pala."

Ngumiti ako at mahinang tumango. "Yes Sir. Pasensya na po. Umalis po ako ng walang maayos na paalam."

"Oo nga. Nadisappoint din ako sa nangyari Leia. You know. Naniniwala pa naman talaga ako na isa ka sa the best employee ng kumpanya. Actually, hanggang ngayon naman ay ganun ang paniniwala ko." Ngumiti siya. "Naintindihan ko naman ang nangyari so okay lang."

"Thank you po Sir." Ngumiti muli ako. "Syanga po pala. Kamusta na po?"

Natawa siya ng mahina. "Kamusta ang ano?"

"Kayo po? May asawa na kayo Sir?" Nung umalis kasi ako ay single and available pa ito.

"Yes. Single pa rin. Pero siguro hindi din magtatagal." Muli siyang natawa ng mahina. "Ikaw? Kamusta na? Nagkabalikan ba kayo ni Heaven?"

Alanganin akong ngumiti. "Hindi po. Pero si Heaven po ang kasama ko ngayong gabi. Saka sina Ysmael at Lawrence."

"Oh, I'm glad na in good terms na uli kayo. Akala ko talaga mag-aaway na kayo ng tuluyan sa nangyaring iyon noon."

Natigilan ako sa narinig pero hindi ko masyadong ipinahalata na nagtataka ako. "Sir?"

"Honestly kasi ay ako yung nag-pursuade kay Heaven na ligawan ka noon. Hindi naman masamang intensyon but gusto ko lang na maranasan mo naman ang buhay na in relationship. Sinuggest ko yun at ang kapalit ay tutulungan ko siya to get an important business deal. Akala ko nga going smoothly ang inyo. But then Heaven talked to me at sinabing ayaw niya ng ituloy yung deal."

"Ke-kelan po yun?"

"Before the company outing. Well, mukhang nahulog na sa yo ng tuluyan si Heaven at talagang seryoso na siya sa yo. So ang naging usapan na lang namin ay gagawin niyang opisyal ang relasyon niyo sa kumpanya. I mean... dapat ipaalam niya sa lahat na mag-on na nga kayo. Nagawa naman niya sa outing di ba."

Napamaang na lamang ako sa nalaman.

So....

"But maayos na naman ang lahat. Thats good." Ngumiti siya sa akin.

Tumango ako ng mahina. "Tama po."

"So, I'll go ahead first?"

"Sige po, Sir. Thank you po."

Ngumiti siya at umalis na rin. Naiwan akong natutulala roon hanggang sa dumating si Bea.

"Huy! Okay ka lang?" Pinuna naman ako agad ni Bea.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon