Page 85
Habambuhay
"ANONG NANGYARI? Ba't siya naaksidente?"
Medyo histerikal ako habang nasa kotse na kami ni Bea. Naroon din si Em at nakaupo sa likod ng kotse.
"Kalma lang. Pupuntahan natin siya." Sagot ni Bea habang nagda-drive.
Nilingon ko si Em. Mukhang kalmado lang siya at nakatingin lang sa cellphone.
"Ano ba kayo?! Panu ako kakalma sa sinabi mo?!" Muli kong tinignan si Bea. "Bee?"
"Hah? Ano?" Sinulyapan niya ako at biglang napangisi.
Natigilan na ako.
"Um-over ka na naman ng acting Bee." Malamig na wika ni Em.
Napalingon ako agad. "Acting? Anong acting?"
"Hahahah....." biglang tumawa ng malakas si Bea. "Joke lang yun. Hindi totoong naaksidente si Vann."
"WHAT?!" Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla.
"She's just pretending. Para daw hindi na magtanong si Tito Leo kung saan tayo pupunta." Ani Em.
"What the hell?!" Hinampas ko sa balikat si Bee.
"ARAY!" Napangiwi siya sa ginawa ko.
"Nakakainis ka! Bakit sinabi mo yun? Wala naman si Tatay sa bahay!!" Naiyak na ko pero jino-joke lang pala ako. Bwisit!! Bwisit!!
Napahikbi ako ng sunod sunod at nagtakip ng mukha. Umiyak na talaga ako.
Nag-alala ako. Natakot. Akala ko talaga....
"Huy! Joke lang eh." Si Bee.
"Yan na nga bang sinasabi ko." Komento ni Em. "Alam mo namang patola yang si Leia."
"Nakakainis kayo!!" Sabi ko sa pagitan ng paghikbi.
"Sorry naman." Hinawakan ako ni Bee sa balikat. Saka ko lang napansin na naka-stop na kami. "Sorry na. Akala ko nandun si Tito Leo eh. Gusto ka lang naming ilabas."
"Kainis ka!" Hinawi ko yung kamay niya.
"Oi, OA naman. Ganyan mo ba kamiss si Vann? Grabe ka hah!!"
Oo. Miss ko na si Vann. Sobra! Pwedeng isigaw?
"Wag ka kasing magbiro ng ganun!" Galit ko siyang tinapunan ng tingin.
"O, sorry na. Hindi na mauulit." Napapout siya. "Sorry."
Bumuntung hininga ako at pinakalma ang loob. Nakakainis talagang magjoke si Bee eh.
"Okay ka na?" Tanong niya pagkaraan.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Malling." Walang gatol na sagot ni Bee.
"Mall? Tignan mo nga ang itsura ko. Nakapambahay lang ako!" Singhal ko bigla.
"Naligo ka na ba?"
"Oo naman."
"E, di bili muna tayo ng damit mo." Ngumiti siya. "Charge on me."
"Oh?!" Natigilan ako. Talaga ba?
"Sulitin mo agad Leia." Nakangiting ani Em.
"Talaga! Yung mahal ang bibilhin ko." Umingos pa ko.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficción GeneralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...