Page 15
Friends
Yinakap niya ako ng isang braso sa balikat. "Mahal ko. Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ko naghihintay." Saka bumaba ang mukha niya't hinalikan ako sa noo.
Nangapal ang mukha ko sa init at hindi ko inalis ang pagtitig sa kanya.
What the hell?! What the f*?! Pakshet!! Anong problema ng lalakeng toh?!
Inakbayan ako nung lalake ta's ipinaharap sa mga babaeng nangungulit sa kanya. "Girlfriend ko." Aniya.
Lihim akong napangiwi.
Nagpalitan ng tingin iyong dalawang babae at parehong napasimangot.
"Ganun ba? Sorry ate hah. Ang pogi kasi ng boyfriend mo." Anang isa.
Yung totoo.... ganito na ba mga kabataan ngayon? Di nga?
"Akala namin artista eh. Sige ate. Sana totoong may forever." Wika nung isa saka hinawakan sa braso yung kasama at hinila paalis.
Naiwanan kaming nakatayo roon. Ako.... nakatanga.
"Naniniwala ka ba sa forever?"
Bigla akong napalingon sa lalake. Salubong mga kilay.
"Ako. Hindi." Sinalubong niya ang tingin ko.
"What the hell?!" Piksi ko. Marahas kong inalis ang kamay niyang nasa balikat ko at mahina siyang itinulak sa dibdib.
Ang tigas.
Nag-blush ako ng wala sa loob.
"Sorry Mahal ko --"
"Mahal ko?! Hindi nga kita kilala!!" Mariin ang salita ko. Pinipigilan ko kasing mapasigaw.
"Sorry, Miss. Wala lang akong choice --."
"Dapat binigay mo na lang ang number mo o nagpapicture ka na lang. Ang arte mo naman."
Tumaas ang isa nitong kilay. "Tsk. Kung ibinigay ko ang number ko eh di nawalan naman ako. Saka ayokong magpapicture. Baka gamitin nila yun sa kung anong bagay."
Marahas akong napabuga ng hangin. "Grabe! Stress!"
Umirap ako at tinalikuran siya. Hinuli niyang muli ang kamay ko at hinila paharap. "Wait lang."
"What now?!" Tinapunan ko ito ng masamang tingin at marahas na hinawi ang kamay nito. "Pwede ba. Naintindihan ko na kung bakit ginawa mo yun. Tigilan mo na ako!"
"Magpapasalamat lang." Aniya. Kumunot noo siya. "Ang sungit mo naman. Dapat nga matuwa ka pa kahit panu."
"Bakit?! Anong dapat kong ikatuwa sa ginawa mo? Pinagpanggap mo kong girlfriend mo? Nakakatuwa ba yun?"
He smirked. "Kita mo naman. Hindi pa ako celebrity pero pinagkakaguluhan na. I mean.... i'm someone's boyfriend to be proud of. Hindi ba ganun ang gusto niyong mga babae? Yung maipandisplay in public ang boyfriend niyo." Bahadyang tumagis ang mga bagang niya.
Napaatras ako. "What?!"
"Totoo naman 'di ba?"
"Anong issue mo? Alam mo, hindi ako ganung klase ng babae. Mas gusto ko pang maging single forever kesa magkaboyfriend ng lalakeng mas mukha pang babae kesa sa akin!"
"What?! What?!" Medyo tumaas ang boses nito. Humakbang ito palapit at halos gahibla na uli ang layo namin sa isa't isa. "Mas mukhang babae kesa sa'yo? Are you saying that i look like a gay?!"
"You look and act like a gay! Nanggagamit ka pa ng ibang tao para maka-iwas sa ganung sitwasyon. You ill-mannered jerk!"
Ang dami ko ng sinabi ah.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficción GeneralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...