Love begins when all the secrets reveals.
Page 18
Make him smile
Heaven Sandoval:
"I'll see u later. Don't go home early."
Text ni Heaven ng after lunch time. I wonder why. Ang alam ko kasi ay may ibang lakad siya mamaya.
Nagpaiwan na lang ako sa office at hinayaan na maunang makauwi si Tina. Nagawa ko na yung usual kong ginagawa kapag nahuhuli pauwi pero wala pa rin si Heaven.
Huminga ako ng malalim.
Naupo muna ako at sumandal sa sandalan ng swivel chair. Nakatingin lang ako sa cellphone. Kakatext lang ni Lana. Naghihintay na siya ng padala. Nagamit ko pa naman ang bahagi ng ipapadala ko sa pagpapa-check up. Tapos may next schedule pa ako. Siguro pwedeng sa katapusan ko na lang yun gawin.
I just texted her na bukas ko ipapadala yung kailangan niya. Hirap naman kasi kapag hindi ako makapagpadala agad ay gini-guilty naman ako.
Haist.
Nangalumbaba ako ng isang braso sa may armrest ng upuan. Nagpikit ng mga mata.
Pustahan lang.
Tama. Nalaman ko na pustahan lang pala ang drama ni Heaven kaya siya nakikipaglapit sa akin. Now. Ano namang gagawin ko?
Dapat bang kausapin ko siya?
Konprontahin? Sumbatan?
But then.... after nun. Wala na ba kami?
Hanggang doon na lang?
One month? One month?
Nakakailang araw na ba mula ng maging kami? Nasa second week na. So... dalawang week na lang din? Kaya ko pa ba?
Syempre kaya ko pa.
Pero ang habol lang naman niya sa akin ay iyong may-mangyari. Papayag ba ako? Kapag ginawa ko yun, ako din ang nawalan. Ako pa talo. Susugal ba ako?
Pero kahit anong isipin ko. May part pa rin na nagsasabing ituloy ko lang.
Pustahan lang ito. Pero ito lang ang chance ko para mapalapit kay Heaven. Kung may mangyari man, choice ko na iyon. Pwedeng hindi ko yun gawin. Pwedeng Oo. Hindi lang naman dun umiikot ang relasyon eh. Hindi naman sex ang nagpapatibay sa relasyon. Iyong mga moments ang nagpapatibay dito. Mga magagandang moments kung saan ipinapadama at ipinapakita mo sa taong mahal mo ang totoong nararamdaman mong pagmamahal.
Mahal ko si Heaven.
Kung anuman ang maibigay ko ay gagawin ko na lang ang best para maipadama sa kanya na totoo iyong lahat.
Totoong pagmamahal.
Bigla akong napamulat at marahas na suminghap ng maramdamang gumalaw yung inuupuan ko. Napakislot ako sa inuupuan lalo na nang biglang may humila doon at malakas na nagpihit paikot.
"Potek!!" Napatili ako ng malakas.
Nanlake ang mga mata ko ng makita si Heaven sa harap ko. Nakalean payuko at naka-hawak sa magkabilang side ng inuupuan ko. He was smirking at me.
"HEAVEN?!" Mariin kong sabi. Mabigat akong napahinga. Natakot at kinabahan ako sa ginawa niya. Kainis!! But then....
Natawa siya ng mahina. "Hi."
Matapos ng ginawa niyang panggugulat ay ganun ang ibubungad niya?! Haist!
"Anu ba?" Pinagkunutan ko siya ng noo.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...