Page 20

541 12 0
                                    

Page 20 

Different

  

Nanlake ang mga mata ko at napaawang ng labi sa naabutan sa apartment namin.

WTH?!

"Good. Buti dumating na kayo." Wika niya in his usual pa-cool tone. Nakangisi siya sa akin.

"Ysmael?" Mabagal akong humakbang papunta sa kung nasaan siya. Nakaupo siya sa harap ng mesa samantalang si Em ay nasa harap ng kalan at nagluluto.

Nasaan si Bea?

"Kanina ka pa nandito?" Tanong ko.

Bakit? Panu?

Nakasunod sa akin si Lawrence. Nagtataka na ako kanina na hindi ako hinayaan ni Lawrence na makaakyat ng apartment ng hindi siya kasama. Kaya naman pala ayaw niya pang umalis ay dahil nandito din si Ysmael.

Ano bang nangyayari? Bakit nandito si Ysmael?

"Ba-bakit nandito ka?" Nagtataka kong tanong.

Hindi agad nasagot ang tanong ko dahil biglang lumabas mula sa kwarto si Bea. Naka-pambahay na siya. Yung usual niyang suot na shorts at hanging blouse.

Sumipol si Ysmael.

"Tang*** mo!" Tinapunan ni Bea ng masamang tingin si Ysmael.

Natawa si Ysmael. "Nakakabusog hah."

"Kasama mo si Lawrence?" Wika ni Em. Pinatay na niya ang kalan at lumingon sa amin.

"Uhm." Tumango ako. "Sandali. Hindi niyo pa sinasagot yung tanong ko."

Naupo si Bea sa kabilang side ng mesa malayo sa pwesto ni Ysmael. "Gusto ka daw makausap ng lalakeng yan. Kapal lang ng mukha, nagpaluto pa."

"Dito kami kakain ng dinner ngayon." Nakangising nilingon ako ni Ysmael.

"Hah?"

"Nagtitipid kami ng budget ngayon eh."

"Grabe! Kay yabang talaga." Paismid na bulong ni Bea.

Ah! Hindi ko talaga sila pwedeng pagtabihin. Tss.

"Leia, tulungan mo naman akong maghain?" Si Em.

"Ah, sige."

Pero mabilis na tumayo si Ysmael at lumapit kay Em. "Ako na lang ang tutulong sa 'yo, wifey."

"Wifey?!" Sabay pa naming react ni Bea. Pinamulahan ng mukha si Em.

"Ugh! Gross!" Nag-act pa na parang nasusuka si Bea.

"Bakit? Gusto mo ikaw?" Baling ni Ysmael kay Bea na nakangisi.

"NO WAY!"

Napangiwi ako.

"Si Leia na lang. Maupo ka na lang Ysmael. Utang na loob." Madiing tanggi ni Em.

Ngumuso si Ysmael bago muling bumalik sa inuupuan kanina.

"Lawrence, upo ka na." Nakangiting aya naman ni Bea kay Lawrence.

"Salamat." Agad naman na sumunod si Lawrence at naupo sa tabi ni Ysmael.

Ibinaba ko muna yung bag ko sa may salas at mabilis na bumalik sa tabi ni Em para tulungan ito.

Sinampalukang manok ang niluto niya. Halatang marami iyon.

"Namalengke ka?" Mahinang tanong ko para kami lang ni Em ang magkarinigan.

"Sinamahan ako ni Ysmael." Hindi nakatinging sagot ni Em.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon