While In Greece

251K 6.7K 7.4K
                                    

Cesia's POV

Nilagpasan ko ng tingin ang boys na nagluluto ng pananghalian sa labas ng bahay.

Kay Ria nakatuon ang atensyon ko at sa spear na ipinadala niya sa'kin.

Humakbang ako paatras para iwasan ang kumikislap na dulo nito.

Kasunod akong napalunok pagkatapos mapagtantong ilang inches lang ang layo nito sa mukha ko.

Sobrang lapit lang talaga.

Nagsummon ako ng sarili kong spear na gawa sa salamin at ipinahilig ito pabalik kay Ria na agad tumalon at nanatiling lumilipad sa ere.

Nilingon ko sina Art at Thea na sabay nagbato ng apoy at liwanag sa gawi ko. Otomatikong gumalaw ang kamay ko at gumawa ng reflective barrier dahilan na bumalik sa kanila ang ipinadala nila sa'kin.

"Iiiihhhh!!" tumakbo si Art samantalang si Thea naman, sinalo ang apoy gamit ang isang daliri at hinipan ito.

Nagtaka ako saglit dahil bigla nalang silang nawala sa harap ko.

"Kara." bulong ko sa sarili saka sinira ang trance na nakapalibot sa'kin. Narinig ko ang tunog ng pagkabasag nito pero di ko pa rin sila nakikita.

Kumunot ang noo ko.

"Still a trance."

Napatigil ako sa boses ni Kara at maya-maya'y, natagpuan ko nalang ang sarili ko sa gitna nilang apat. Nakatayo si Ria sa harap ko at nakadikit ang dulo ng kanyang espada sa leeg ko. Nasa kaliwa si Art, nakangisi at nakaharap ang palad sa'kin habang nasa kanan naman si Thea na nakaangat ang isang kilay at nakapameywang.

"Surrender."

Tinig ni Kara ang nagmumula sa likod ko.

Sikreto akong napangiti pagkatapos lumitaw ang isa pang Ria sa likod ni Ria at nakadikit na ang dulo ng kanyang espada sa leeg niya. Lumitaw rin ang dalawa pang duplicate nina Art at Thea kaya hindi sila nakagalaw.

Isa-isa silang hinatak ng duplicates nila kaya't hindi na sa'kin nakatuon ang kanilang abilities.

Umikot ako at nakita si Kara na mag-isang nakatayo...

At wala akong naririnig na heartbeats mula sa kanya.

Teka.

Asan yung totoong Kara?

Palinga-linga ako para hanapin siya pero ni anino niya hindi ko mahagilap.

Bumalik ang aking tingin sa Kara na nasa harap at sa laking gulat ko, bigla siyang tumakbo at akmang atakihin ako. Bago niya pa ako tuluyang malapitan, naglaho siya kasabay ang hangin dahil agad ko siyang binura sa isipan ko.

"You weren't able to find me so your mind started thinking that was the real one."

Kamuntikan na akong mawalan ng balanse nang marinig ang boses niya nang pangmalapitan sa tenga ko.

"Paano mo nagawa yun?" tanong ko sa kanya.

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko at tinapik ito.

"it's the ability to act with a better intuition" sagot niya. "I suppose it is called wisdom?"

Napansin niya ang pagsingkit ng mga mata ko kaya natawa siya nang marahan bago tumungo sa boys na nagluluto.

Hinatid ko siya ng tingin. Napailing ako nang maalalang hindi pala dapat ina-underestimate ang isang anak ni Athena. Lalo na kung si Kara ito.

Nakailang training na ba ako kasama sila pero gano'n pa din ang kahahantungan palagi: talo ako.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon