Simula noong pinanganak ako ay tinuring ko ng ina ay si Mama Grace dahil siya ang nagpakita sa akin ng pagiging ina. Habang ang totoo ko namang ina ay walang pakielam sa akin.
Hindi man lang niya ako binibisita. Pero may isang araw na nakita ko siya.
Nakita ko siya sa hardin na masayang pumipitas ng mga bulaklak. Katulad ng mga rosas ay ganoon din ang kulay ng buhok niya.
Pero noong lumingon siya sa akin at nagtama ang mga mata namin ay nabitawan niya ang mga bulaklak na pinipitas niya at napa-atras.
“H-hindi ka dapat nandito.”
Ayon ang una niyang sinabi sa akin bago niya ako tinalikuran at iniwan na para bang ako ang nakakatakot at kadiring bagay na nakita niya.
“Nandito na naman ang babaeng iyon?” tanong ni papa na nagpa-gising sa akin sa katotohanan.
“Babaeng iyon?”
Sino ang tinutukoy niya?
“Ang nanaynanayan mo,” mapanuyang sagot niya sa akin na nagbigay sa akin ng pagkawalang gana.
“May pangalan po siya, papa,” pilit kong paalala sa kaniya.
“Ayokong banggitin ang pangalan ng babaeng iyon.”
Nasa gitna kami ng kainan pero nawawalan na naman ako ng gana sa mga pinagsasabi ni papa.
“Bakit naman?”
“Nakakasuka.” Nabitawan ko ang kutsara at tinidor dahil sa sagot niya.
Sumusobra na si papa. Wala namang ginawa sa kanya si Mama Grace.
“Bakit ba galit na galit kayo kay Mama Grace! Wala naman siyang ginawang masama sa inyo, ah!” pagtataas ko ng boses.
“Gusto mong malaman?” Padamog akong tumayo sa kina-uupuan ko.
“Huwag na, puro mga kasinungalingan lang naman ang lalabas sa bibig niyo.”
Tumakbo ako palabas sa hapag-kainan.
Naalala ko noong tinanong ko siya kung bakit sobrang galit na galit niya kay Mama Grace at ang sinagot niya lang sa akin ay, “Nakakaawa ka, hindi mo man alam ang totoong ugali ng babaeng iyon. Hindi mo namamalayan na puro kasinungalingan lang ang buong buhay mo.”
Kasinungalingan?
Bakit naman—
Huh?...
Bakit ako nahulog sa hagdan?
At nakahiga na ako sa sahig ngayon?
Anong nangyari?
Napataas ang tingin ko sa hagdan at nakita ko si Mama Grace na nakatingin sa akin ng walang eskpresyon sa mukha.
“Narinig ko ang usapan niyo ng Hari.”
Tinulak niya ba ako?
Bakit? Bakit mo ako tinulak? At anong sinasabi mo?
Hindi ko maintindihan.
Nagsimula nang magdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...