Kabanata 78: Ang Kuwento (8)

108 15 0
                                    

   Ang daming hindi maiwasang tumulo ang pawis at mapalunok.

   Magkasamang naglalakad sina Hero at Hermia.

   “Anong plano mo?” panimulang tanong ni Hero kay Hermia.

   “Plano kong patayin ang dating hari at ang kanang kamay nito,” kalmado pero malamig na tugon ni Hermia sa tanong.

   Napalunok na rin si Hero sa sagot sa kaniya ni Hermia.

   ‘Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa isip mo, Hermia,’ Hero.

   Huminto sila sa silid-kainan.

   Pumasok sila roon at napatigil ang mga katulong na inaayos ang lamesa, naglalagay ng mga pagkain.

   Naka-upo na rin si Liam at na-una nang dumating sa silid-kainan.

   Tumaas ang mata ni Liam at sumalubong sa kaniya ang kalmadong mata ni Hermia.

   Nagtaka si Liam.

   ‘Magkasundo na ba sila?’

   Naglakad at umupo si Hermia sa hapagkainan, ganoon din si Hero.

   Tumingin naman si Liam kay Hero na puno ng buhay ang mga mata.

   Hindi na maiwasang magtaka talaga si Liam sa mga nangyayari.

   Una, bakit magkasama ang dalawa na hindi magkasundo at nagpapansinan? Pangalawa, bakit sobrang buhay ang mga mata ng dalawa hindi katulad noong nakaraan? Pangatlo, bakit sasabay si Hermia sa kainan? Hindi sumasabay si Hermia simula noong dumating si Hero sa palasyo.

   Napa-ubo na lang si Liam para pigilan ngumiti.

   “Kumusta kayong dalawa?” malumay na tanong niya sa dalawang anak.

   “Ayos,” Hero.

   “Magaling,” Hermia.

   Pagtapos noon ay nagsimula na silang kumain.

   Sa kaligitnaan ng kainan ay napa-isip si Hermia.

   ‘Hindi sinabi sa kuwento kung anong nangyari sa dating Hari at kanang kamay nito noong namatay ako sa kuwento. Pagtapos kong mamatay sa kuwento ay nalalapit na agad ang wakas. Anong nangyari naman sa dalawa pang kontrabida? Ang duga naman kung hindi sila naparusahan.’

   Napatingin si Hermia sa papa niyang payapang kumakain.

   ‘Alam kong may kumakalat na nagiging magkasundo na raw kami ni Hero. Baka ngayon ay nakasimangot na sa isang sulok ang dalawang matandang iyon.’

   ‘Kaming pito lang ang nakapunta rito sa kuwento.’

   ‘At... kaya hindi natuloy ni papa ang plano niyang patayin ang dating hari ay dahil alam niyang malapit sa isa't isa si Hermia sa kuwento at ang dating Hari. Sana tinuloy niya para hindi ako naging kontrabida. Hmm? Ah, kontrabida pa rin naman siguro ako. Hanggang ngayon nga, eh.’

   Hindi maiwasang matawa nang mahina si Hermia.

   Dahil doon ay napatingin sa kaniya si Liam at Hero.

   Hindi niya pinansin ang dalawa at tuloy-tuloy pa rin ang pag-iisip niya. Habang ngumunguya ay kumikinang ang mga mata niya habang nagpa-plano.

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon