Kabanata 77: Ang Kuwento (7)

112 13 0
                                    

   “Anong—” magsisimula na sanang magtanong silang lahat kay Hermia pero pinutol na agad iyon ni Hermia.

   “Bumalik ako sa nakaraan dahil sa tulong ni mama at napatay ko ang dalawa kaya wala na sila. Pero dahil nandito tayo sa kuwento, buhay sila. Nakaka-inis,”

   “Hindi ko alam kung anong klase ang ginawa ni mama kung paano ako nakabalik sa nakaraan, basta ang sabi niya ay ipapakita niya sa akin ang nakaraan para hindi ako maging kontrabida,” paliwanag ni Hermia sa lahat.

   “Sobrang bait siguro ng mama mo Ate Hermia,” malumay na wika ni Teresa at bumaba sa pagkakabuhat ni Erik. Tumalon siya sa bisig ni Hermia.

   Ngumiti si Hermia.

   Pero nawala rin ang ngiti na iyon nang maalala niyang nasa loob sila ng kuwento.

   “Ngayon, paano tayo makakalabas sa kuwento na ito?”

   Nakatayo si Johan sa harapan ng seryosong si Liam.

   “Si Hermia... bakit niya nilusob ang kuwarto ni Hero? Ano na naman ang nangyari? Bakit niya hinila sa isang sulok si Hero na naging sanhi ng hindi na pagtuloy ng punta sa akin ni Hero?” seryosong tanong ni Liam na may halong pagkadismaya.

   Naalala ni Johan ang sinabi sa kaniya ni Hermia nang pinatawag siya kanina ni Liam.

   “Kung anong trato ko kay Hero sa kuwento ay ganoon pa rin ang sabihin mo kung nagtanong siya tungkol dito.”

   “Minaliit na naman niya si Prinsipe Hero, kamahalan,” sagot ni Johan.

   Sa kuwento, laging minamaliit, pinandidirian, at inaapi ni Hermia si Hero gamit ang mga salita. Nang napansin niyang umaangat at nabulungan din siya ng dating Hari na maraming mga mamamayan ang may gustong maging Hari si Hero ay naging pisikal na ang pang-aaping ginawa niya.

   Walang dahilan sinasabunutan, binabasagan ng bote, at hinahampas niya si Hero. Hindi siya nilalabanan ni Hero dahil hindi naman malakas ang ginagawa ni Hermia.

   Natatawa pa nga si Hero kay Hermia dahil umaaktong tigre ito pero pusa naman.

   Hanggang sa plano na talagang patayin ni Hermia si Hero.

   Doon na nagseryoso si Hero.

   

   

  

  

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon