Nagising na lang si Hermia dahil ang ingay ng kapaligiran niya.
Lumabas si Hermia sa kubo niya.
Nagtaka siya dahil nakikita niya sa harapan niya ang mga kasamahan niyang nag-uusap.
“Iyong lalaki ba na iyon?” mahinahong tanong ni Amari sa lahat.
Tumango si Alejandro at Mago.
“Ang kapal ng mukha nilang sirain ang buhay ni mama!”
Napatigil si Hermia dahil sa isinigaw ni Dayang.
‘Ano bang pinag-uusapan nila?’
Medyo lumapit pa si Hermia para marinig ang mga pinagsasabi ng mga kasamahan niya.
“Eh?” Nang medyo makalapit siya, nakikita niya ang bawat kasamahan niyang may mga hawak na libro.
The Hero's Sacrifice.
“Hermia!”
Gulat na lumingon si Hermia sa likod niya.
Nakita niya si Liam, Grace, at Dinah. Bumaba ang mga ito sa sarili-sariling kabayo.
“Huh...?” Nakikita ni Hermia si Liam, Grace, at Dinah na may hawak silang Libro.
“Hermia, huwag kang mag-alala. Huhulihin namin ang naninira sa iyo,” salita sa kaniya ni Grace nang makalapit ang mga ito.
Tumingin si Hermia kila Alejandro, Erik, Hero, Eli, at Teresa.
‘Anong meron?’
Napansin ni Alejandro na nagtataka si Hermia kaya sinagot niya ito, “Ang may-akda,” pagbasa ni Hermia sa paggalaw ng labi ni Alejandro.
‘Ano na namang ginawa ng may-akda?’
“Hermia,” tawag sa kaniya ni Liam.
“May naninira sa iyo. Tignan mo ang libro na ito,” pinakita ni Liam sa anak ang librong hawak-hawak. Ang pamagat ng kuwento, The Hero's Sacrifice.
Hindi alam ni Hermia ang sasabihin niya.
“Pumunta kami rito dahil pagkagising namin ay may sumulpot na libro sa kuwarto namin. Binasa namin at sobrang grabe ng kuwento! Ginawa kang kontrabida habang ang mga kaibigan mo ay bida! Ang sama ng may-akda!” daldal ni Dinah.
“Kami rin. Pagkagising namin ay may katabi kaming libro. Nang binasa rin namin ay nalungkot at nagalit kami. Ang kapal ng may-akda gawing kontrabida si Hermia!” daldal din ni Enriquez.
‘Nandito pala ang lalaki na ito. Huh?’
Nilibot ni Hermia ang mata niya sa mga kasamahan niya.
‘Ang mga kaibigan at pamilya ko ang nabigyan ng libro? Sila lang ang binigyan? Bakit hindi na lang kinalat para maraming makabasa? Para masira ang pangalan ko. Kung maninira, hindi ba dapat ay maraming pagsisikap? Ganoon ba ka-walang utak ang may-akdang sirain ako?’
“Totoo iyan,” unang salita ni Hermia na ikinatahimik ng lahat.
‘Bakit ko tatanggihin ang papel ko sa pagiging kontrabida? Pftt, mas malaya pa nga ang kontrabida kaysa sa bida, eh.’
“Kahit na! Ang kapal ng may-akda na iyon na sirain ang buhay mo hermia!”
‘Mukhang hindi pa rin sila naniniwala.’
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...