Kabanata 51: Enriquez Belmonte (4)

159 13 0
                                    

   Umaga na, nakasakay sa karwahe sila Hermia.

   Hindi pa pinapatakbo ang karwahe at napansin ni Hermia si Erik sa labas ng karwahe na nakatayo. Puno ng pag-alala ang mukha nito.

   ‘Nag-aalala siya sa kapatid niya.’

   “Naintindihan ko kung bakit ka nag-aalala. Gusto kong maging mapanatag ang pakiramdam mo. Ah, malakas sina Teresa at Eli, kaya na nila sarili nila. Mas malakas pa nga sa akin ang dalawang bata.”

   Tinapik ni Hermia ang balikat ni Erik.

   “Anong mangyayari kapag may nakalaban kayong mas malakas pa kaysa kila Eli at Teresa?” nag-aalalang tanong nito.

   “Tatakbo kami. Kung hindi namin kaya tatakbo kami, at saka na lang namin babalikan kapag kaya na namin,” sagot ni Hermia.

   Ngumiti si Hermia nang mapansin niyang nandito ang lahat.

   “Magpalakas kayo, kapag balik ko ay gagalaw na tayo. Kailangan nilang pagbayaran ang mga ginawa nilang panggugulo sa Thelanisus. Hindi ko kayang palagpasin ang bagay na iyon.”

   Hindi na ni Hermia hinintay ang sasabihin nina Alejandro, Erik, Hero, Jet, Johan at sinarado na ang pinto ng karwahe.

   “Tara na.”

   Tumango si Amari.

   Umandar na ang karwahe at ang nagpapatakbo ay ang mahika ni Amari.

   “Lola, may isa akong pinagtataka.”

   “Ano iyon?”

   “Kung binasbasan ng Diyosa ng Kalikasan ang Teritoryo ng Belmonte, bakit laging may nangyayaring bagyo, pagbaha, at lindol dito sa Teritoryo ng Belmonte? Hindi normal na kada isang araw sa isang linggong nangyayari ang mga bagay na iyon.”

   Napa-isip si Amari sa tanong na iyon.

   “Baka kapalit ng basbas? Hindi ako sigurado. Kahit na 902 na akong nabubuhay ay hindi ko pa rin nalalaman.”

   Tumango na lang si Hermia.

   Natulog na lang din si Hermia na yakap-yakap ang ahas at pusa.

   Hanggang sa makarating sila Hermia. Gumising na si Hermia.

   Bubuksan na sana ni Hermia ang pinto ng karwahe nang magsalita si Amari.

   “Hindi na ako sasama sa iyo, marami akong aasikasuhin kaya babalik ako sa Bundok ng Kagandahan, Hermia.”

   Tumango si Hermia at tuluyan nang bumaba, lumabas sa karwahe. Buhat-buhat niya sina Eli at Teresa.

   Pagkatapos noon ay mabilis na umalis ang karwahe.

   “Ingat,” pag-ingat ni Hermia kay Amari na malayo na ang sinasakyang karwahe.

   Tumuon ang atensyon ni Hermia sa mga katulong na nakahilera.

   Lumapit sa kaniya si Enriquez.

   “Ikinagagalak ko ang pagpunta mo rito, Binibining Hermia,” masiglang bati sa kaniya ni Enriquez.

   Ngumiti si Hermia sa kaniya.

   “Magandang araw sa inyong lahat, tunay ngang napakaganda ng Teritoryo ng Belmonte,” pagbati at papuri ni Hermia.

   Nakaramdam ng saya ang mga katulong na nakahilera at si Enriquez dahil sa sinabi ni Hermia.

   Napansin ni Hermia si Enriquez na panay ang tingin sa hawak niyang sina Eli at Teresa.

   “Maari mo ba silang buhatin? Kanina ko pa sila buhat-buhat at sumasakit na talaga ang aking mga braso at kamay.”

   Inabot ni Hermia kay Enriquez sina Eli at Teresa.

   Ma-ingat ang pagbuhat at paghawak ni Enriquez sa dalawa. Pumunta sa leeg ni Enriquez si Eli, habang si Teresa ay nasa mga bisig lang.

   “Anong pangalan nila?” tanong ni Enriquez.

   “Ang pangalan ng ahas ay Eli at ang pusa naman ay Teresa.”

   “Napakagandang pangalan.”

   ‘Kahit ngayon at sa kuwento ay hindi alam ni Enriquez na puwedeng mag-anyong tao sina Eli at Teresa. Akala niya ay normal na pusa at ahas lang ang dalawa.’

   Biglang may napagtanto si Hermia.

   ‘Huh? Kahit sa libro ay hindi nag-aanyong tao sina Eli at Teresa... kahit tapos na ang kuwento ay hindi sila nag-anyong tao man lang.’

   ‘May nawawala ba ako? Wala akong ni-isang nilagpasan sa kuwento...’

   Tumingin si Hermia kila Eli at Teresa na komportable kay Enriquez.

   ‘Anong meron?’

   Hindi na lamang pinansin ni Hermia ang katanungan at pagtataka. Malalaman din naman niya iyon kapag tinanong niya sina Erik, Eli, at Teresa.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon