Kabanata 91: Davino (4)

109 15 0
                                    

   Kumakain si Hermia ng ice cream habang nanonood ng tv.

   Hindi muna papasok si Hermia sa school. Noong napunta siya sa katawan ni Angel ay nasa school ito.

   Ayaw niyang pumunta sa school dahil mas gusto niyang mag-aral mag-isa. Self study.

   ‘Maraming mga na-imbento ang mga tao rito kaysa sa mundong pinanggalingan ko. Kung dito ay puro mga tinatawag na technology, ang mundong pinanggalingam ko naman ay puro mahika.’

   Napatayo si Hermia sa sofa.

   Pumasok ang alaala ni Angel.

   Sinusundan ni Angel si Alejandro maka-uwi. Walang ka-alam-alam si Alejandro na sinusundan siya ni Angel pag-uuwi siya sa bahay.

   Nahuli ni Cohen si Angel na sinusundan si Alejandro umuwi. Nagsuntukan na naman silang dalawa.

   Nakita ni Davino iyon kaya mabilis niyang inawat ang dalawa.

   ‘Nakakatakot kang babae ka, Angel. Paumanhin kung nasa katawan mo ko, makakabalik ka rin dito. Pansamantala lang ako.’

   “Pero... gusto kong puntahan ang bahay ni Alejandro.”

   Napakamot si Hermia sa likod ng leeg.

   Nagtungo si Hermia sa bahay ni Alejandro.

   Nagmumukha itong abandonang bahay.

   ‘Nalaman ko sa kaibigan ni Angel na ilang buwan nang patay si Alejandro. Iba ang oras dito. Habang si Alejandro naman ay ilang taon na sa mundong napuntahan niya.’

   Tuluyan nang pumasok si Hermia sa bahay.

   Bumungad sa kaniya ang malinis na loob pero maraming mga alikabok dahil wala ng taong naninirahan dito.

   ‘Mag-isa lang siyang naninirahan dito.’

   Napunta ang atensyon ni Hermia sa isang bagay sa sahig.

   Pinulot niya ito.

   Ang larawan ng magkakasamang pamilya ni Alejandro.

   Bata pa sa larawan si Alejandro.

   Nasa gitna si Alejandro habang ang mama at papa naman niya ay magkabilang gilid. Masayang nakangiti ang lahat sa larawan.

   “Puwede ko ba itong madala?” mahinang tanong ni Hermia sa sarili.

   “Puwede.”

   Muntik nang mabitawan ni Hermia ang larawan dahil sa nagsalita.

   ‘Nagparamdam na sa wakas ang diyos sa akin.’

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon