Kabanata 40: L-lola? (1)

269 18 0
                                    

   “Pero... bakit kayo sumusunod sa akin?”

   Tumingin si Hermia sa limang tao.

   Ngumiti nang inosente sina Alejandro, Erik, Eli, at Teresa.

   Tanging si Johan lang ang sumagot.

   “Inutusan ako ng Hari na bantayan ka.”

   ‘Maraming salamat na lang pero ayoko. Plano ko ngang umalis mag-isa para iwanan ang mga bagay-bagay sa mga bida. Pero tignan mo nga naman, ang limang bida ng The Hero's Sacrifice ay naka sunod sa kontrabida. Sila na nga ang bahala sa mga misteryosong tao, eh. Ayaw nila noon? Maglalaho na lang sa kasaysayan ang huling kontrabida? Hmp. Pero pakiramdam ko rin ay hindi na nga talaga buhay ang kuwentong The Hero's Sacrifice. Tanging mga tauhan na lang ang mga buhay at hindi ang kuwento.’

   “Nasaan si Hero?” Kahit anong gawing ikot ng mata ni Hermia ay hindi niya makita ang kakambal.

   “Napilitang maiwanan si Hero,” sagot ni Johan.

   Tumawa si Hermia. Kanina lang ay inaasar siya ni Hero pero tignan mo nga naman ngayon.

   ‘Bahala siya. Sa kaniya na ang trono. Mwahaha! Siya na lang ang tanging tagapagmana ng Thelanisus dahil binato ko na ang pagiging Prinsesa, isa na lamang akong ordinaryong tao.’

   “Sasama talaga kayo sa akin?”

   Tumango ang lahat.

   “Tutungo tayo sa kamag-anak ni mama sa bundok ng Kagandahan.”

   Nagsimula ng maglakbay ang grupo.

   Mabilis silang naka-apak sa Bundok ng Kagandahan. Hindi katulad nang nakaraan nilang paglalakbay patungo sa Alenua, dito talaga ay mabilisan dahil nasa Thelanisus lang ang Bundok ng Kagandahan.

   Pasimpleng tumingin si Hermia sa mga kasamahan.

   ‘Hindi na ako nagtaka kung bakit laging natatalo ang mga kontrabida sa kuwento! May mas marami pang istamina ang mga bida kaysa sa kontrabida!’

   Pagod na pagod si Hermia habang ang mga kasamahan niya ay parang naglalakad lang ang mga ito sa hardin.

   Siya lang ang hingal na hingal.

   ‘Maduga.’

   Narinig niya ang mga pagkamangha ng mga kasamahan.

   Tinaas niya ang tingin niya at hindi niya rin maiwasang mamangha.

   Ang Bundok ng Kagandahan, katulad ng pangalan nito ay ganoon din ang hitsura nito.

   ‘Ang ganda ng tanawin dito...’

   Nasa itaas na rin sila ng bundok at nakikita nila ang mga magagandang tanawin, lalo na ang araw na palubog na.

   “Sinong nagsabi na pumasok kayo sa tirahan ng Dragon?”

   Lumingon ang lahat sa nagsalita.

   Napansin nila ang sahig na nagkakaroon ng mga rosas(pink) na bulaklak.

   Nagtama ang mga mata ni Hermia at ang babae.

   Bumilis ang tibok ng puso niya.

   “Ikaw...” salita sa kaniya ng babaeng mala rosas ang kulay ng buhok at mata. Nakakahumaling at nakakamangha ang kagandahang taglay nito.

   “Apo ba kita?”

   “Kapatid mo ba si Mama?”

   Sabay na tanong nila at nagtaka sila dahil magka-iba ang tingin nila sa isa't isa.

   “Ahem, anong pangalan ng mga magulang mo?” tanong ng babae habang nakataas ang dalawang kilay.

   “Heroine at Liam...” kalmadong sagot ni Hermia.

   Nagbago ang ekspresyon ng babae.

   “Ah... apo kita sa tuhod.”

   Nagulat ang lahat kaya napakunot ng noo ang babae.

   “Bakit? Ignorante ba kayo? Isa akong Dragon. Hindi tumatanda ang hitsura ng mga Dragon.”

   “Ahm, ano...” Hindi alam ni Hermia kung anong itatawag sa babaeng nagsabi sa kaniya na apo siya nito sa tuhod.

   “Lola.”

   “L-lola? Lola. Ilang taon na po kayo ngayon?” Medyo nahihirapan si Hermia na tawagin siyang lola dahil sobrang dalagita ang mukha nito.

   “902.”

   Pilit pinapakalma ni Hermia ang sarili niya.

   ‘Kung lola ko siya... ibig sabihin... may dugo kaming Dragon ni Hero?’

   Hindi talaga maiwasan ni Hermia mabigla. Walang binanggit sa The Hero's Sacrifice ang bagay na ito.

   Ang mga Dragon sa mundo na ito ang pinaka mataas na nilalang sa mundo. Kinatatakutan at hinahangaan sila ng mga nilalang na nabubuhay din sa mundo. Kakaunti lang ang Dragon sa mundong ito.

   “Kung may dugo ako ng Dragon... bakit hindi ako malakas?” nagtatakang tanong ni Hermia.

   “Dahil hindi ka purong Dragon. Kalahating Dragon, kalahating tao lang ang meron sa inyo ni Heroine at ng iba pa,” paliwanag ng babae.

   Nagtaka ang hitsura ni Hermia pati ang mga kasamahan.

   “Nag-asawa ako ng mahinang nilalang at nagkaroon ng kalahating Tao, kalahating Dragon. Nakuha niyo?”

   Naintindihan na nilang lahat ang sinabi ng babae.

   ‘Pero sobra naman yata ang sinabi niya na nag-asawa siya ng mahinang nilalang. Galit ba siya sa ordinaryong tao niyang asawa?’

   “Kung tatanungin niyo kung nasaan na ang asawa kong mahinang nilalang ay patay na, tsk! Bakit ba ang ikli ng buhay ng mga tao?!”

   Kahit bulong na lang ang mga huli niyang sinabi ay narinig pa rin iyon ng lahat.

   Bumalik ang tingin ng babae kay Hermia.

   “Pero may kakaiba... Hmm? May iba pang dugong dumadaloy sa iyo.” Lumapit na ang babae kay Hermia.

   Nakatitig ito ng mabuti sa asul na buhok ni Hermia. May nararamdaman siyang kakaiba kay Hermia nang makalapit siya.

   “Asul na Dragon...” salita nito at dahan-dahan ngumiti kay Hermia. Wala na ang mayabang at mataray na hitsura nito, kung hindi ay malumay na ekspresyon na ang meron ito.

   “Ako nga pala si Amari, pero tawagin niyo akong lola.”

   Ngumiti si Amari.

  
  
  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon