Kabanata 38: Digmaan (5)

228 17 0
                                    

   Kumalat sa iba't ibang kaharian ang pagkapanalo ng Thelanisus. Ang daming nagulat dahil nagtulungan ang Hearth at Thelanisus.

   “Hindi mo siya napatay?”

   “Hindi,” sagot niya at napahawak ang kaliwang kamay niya sa kanang kamay na wala na.

   “Ha, natalo ang Alenua na sinasabi nilang kasama sa mga malakakas na kaharian. Nakaka-awa naman.”

   Hindi nagsalita ang salamangkerong putol ang kanang kamay, nakaramdam naman ng insulto si Atlas.

   “Ang Prinsesa na iyon ang sumira sa kuwento. Alam kong siya ang pumatay sa dating hari at kanang kamay nito. Ayan tuloy, wala ng kontrabida dahil pinatay na niya ang magpapakontrabida sa kaniya. Paano siya naka balik sa nakaraan?”

   Mahinang bulong na lang ang huling sinalita ng lalaki.

   Hindi makapagsalita at sagot ang dalawa sa taong iyon.

   Nagdiwang ang Hearth at Thelanisus sa pagkapanalo.

   Nag-iinuman sina Dinah, Everest, Hero, at Jet. Hindi nila sinama si Alejandro.

   Nagsaya din ang mga kawal, kabalyero, salamangkero, at salamangkera sa pagkapanalo.

   Sinama na lang ni Hermia si Alejandro sa kaniya, sa takot na baka maglasing ito at kung ano-ano na naman ang mga nakakatakot na gawin nito. Sinama niya rin sina Erik, Eli, at Teresa.

   Tumungo muna sila sa personal na opisina ng Hari dahil pinapatawag sila.

   “Nakita niyo ba ang hitsura ng salamangkero na iyon?” tanong ni Liam.

   “Tanging mata niya lang po ang nakita ko dahil nakamaskara po siya,” sagot ni Alejandro.

   “Papa, sa tingin niyo rin ba ay konektado ang mga umatake sa Siyudad ng Czyrah sa salamangkero?” salita ni Hermia.

   Tumango si Liam at nagsalita.

   “At noong tinatanong namin ang Alenua ay tinatanggi nila ang paratang na sa kanila galing ang salamangkerong sumulpot sa digmaan. Wala rin daw silang alam.”

   Natawa si Hermia sa isip.

   ‘Hindi alam? Nararamdaman kong galing sa kanila ang mga misteryosong tao. Matagal na nilang gustong makipagdigmaan sa Thelanisus noong una pa lang. Hindi ako nagkakamali dahil nilusob nila ang Siyudad ng Czyrah gamit ang mga ginawa nilang misteryosong tao. Halatang-halata naman.’

   ‘Pero anong dahilan nila? Dahil hindi namin pina-alam na pupunta kami sa kaharian nila? Imposible, napakapanget na dahilan. Pakiramdam ko hindi iyon ang dahilan. Kung ganoon, ano?’

   Gusto ni Hermia malaman na ayaw din niyang malaman.

   “Pero Hermia...”

   Bumalik ang atensyon ni Hermia kay Liam.

   “Paano mo nakuha ang suporta ng Hearth? Gusto kong malaman at gusto rin malaman ng mga namumuno sa bawat teritoryo ng Thelanisus.”

   Nagkatinginan sina Alejandro, Erik, Eli, at Teresa.

   Alam nila ang ginawang plano ni Hermia. Tanging nakaka-alam lang ay sina Alejandro, Erik, Eli, Teresa, Hero, at Johan. Dahil alam nila ang The Hero's Sacrifice.

   Gamit ang gabay ng The Hero's Sacrifice, naka-buo si Hermia ng plano para makaligtas at manalo laban sa Alenua.

   Ayon ang gamitin ang nakaraan at emosyon ni Everest Dalisay. Dahil may galit ang Reyna ng Hearth sa Amos, ang mga namumuno sa Alenua. Nagamit ni Hermia iyon dahil alam niya rin ang pakiramdam na gustong pumatay kahit na patay na ang pinatay.

   Noong ginamit niya ang dahilan na kapag natalo sila ay baka gawing alipin ang mga mamamayan ng Thelanisus. Dahil doon ay nabuhay na naman ang pakiramdam ni Everest na maghiganti sa Amos. Naalala niya ang mga kalaro, kapitbahay, at mga magulang niya na alipin. At ang nakaraang alipin pa siya.

   Ang mga kalaro, kapitbahay, at magulang niyang pinagsasaksak para tignan lang kung matulis ba ang mga patalim ng Alenua.

   Kaya noong nasa digmaan ay nakita ni Hermia ang galit sa mata ni Everest. Napansin niya rin ang mga mata nito na nakatingin sa mga sandata ng Alenua.

   ‘Ang mga sandata na iyon ang mga sumaksak sa katawan ng mga alipin para tignan kung maganda at matulis ba ang sandata,’ Hermia.

   “Hindi ko na matandaan kung paano ko nakuha ang suporta ni Reyna Everest. Siguro dahil sa kagandahan ko? Hahaha!” walang kuwentang sagot ni Hermia kay Liam.

   Hindi makatanggi ang lahat kay Hermia dahil totoo naman ang huli niyang sinabi.

   Sa kabilang banda.

   “Hindi pa ako kontento! Kailangan ko silang burahin!”

   Si Everest ay lasing na lasing na. Hindi pa rin sapat ang pagkapanalo nila sa Alenua! Gusto niya ring makuha ang mga ulo ng mga Amos!

  

  

  

  

  

  

  

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon