"Dayang?" gulat na tanong ni Hermia sa dalagang nakayakap pa rin sa kaniya.
"Ang tagal kitang hinintay."
'Ang tagal mo akong hinintay para sa iyo, pero kanina lang kita iniwanan sa nakaraan! Oras nga naman, oh.'
'Sobrang laki na niya...'
Bumitaw na ng yakap si Dayang at tinulungang tumayo si Hermia.
Blangkong napatulala si Hermia kay Dayang dahil parang magkasing edaran lang sila.
'Ah, magkasing edaran nga kami. Kanina lang sa nakaraan ay sobrang bata niya, pero pagbalik ko agad dito ay dalaga na siya! Oras nga naman talaga, oh.'
Lumapit si Dayang kay Hermia at bumulong.
"May nangyari pa ring paglindol, pagbaha, at bagyo dahil lagi na lang ako pinupuntahan ng mga tao sa bundok para magdasal sa akin. Hindi naman ako Diyosa. Kaya ginawa ko ang bagay na kada isang araw sa isang linggo ay may mangyayaring paglindol, pagbaha, at pagbagyo."
"Wala naman akong napatay, tinakot ko lang sila. Tinigil ko iyon noong tumigil na rin ang mga tao sa pagpunta sa akin para magdasal at humingi sa akin ng basbas."
Natawa si Hermia.
Tinapik ni Hermia ang balikat ni Dayang at bumulong din dito.
"Magaling ang ginawa mo."
Nagtataka sina Enriquez, Eli, at Teresa sa bulungan nina Hermia at Dayang. Napansin ni Hermia sila Enriquez.
"Ginoong Enrique, siya ang aking matalik na kaibigan. Siya si Dayang."
Nagbigay galang sa isa't isa sina Enriquez at Dayang.
'Hmm? Parang nakita ko na siya... isa ba sa mga katulong sa kastilyo?' tanong ni Enriquez habang tinitignan nang mabuti si Dayang.
'Nagkunwari akong katulong noong malaman ko na paparating si Mama sa Kastilyo ng Belmonte,' Dayang.
Pasimpleng tumingin si Hermia kina Eli at Teresa. Kumindat si Hermia sa dalawa.
Inismiran lang siya ng dalawa kaya nagulat siya.
'Pinakaba kami,' Teresa.
'Sobrang bata pa nami para atakihin sa puso, pero umalis siya sa mga sangang nakayakap sa kaniya na parang walang nangyari,' Eli.
'Nagtatampo ba sila dahil hindi ko sila pinakilala?' Hermia.
"Ah, ang alaga ko naman na sina Eli at Teresa."
Binuhat ni Hermia sina Eli at Teresa, pero hindi pa rin siya kinikibo ng dalawa.
Napatitig si Hermia sa dalawang bata.
'Pinag-alala ko ba ng sobra ang mga bata?'
"Bobo ka."
"Sobrang bobo mo."
Nagulat si Hermia sa mga mahinang salita nina Eli at Teresa. Tanging siya lang ang nakarinig.
Magsasalita na sana si Hermia ng biglang may sinabi at tinuro si Dayang sa kaniya.
"Ang rebulto, sobrang ganda talaga ng rebulto."
Sumangayon si Enriquez.
"Mhm, sabi ng mga mamamayan ay dalawang beses nilang nakita ang Diyosa ng Kalikasan at Kagandahan. Nakakalungkot nga lang dahil puro mga matatanda na ang iba, kaya ang iba ay namatay na sa katandaan."
Inis at pagka-irita ang naramdaman ni Hermia habang nakatingala sa sobrang laki na rebulto.
Kamukha niya ito.
Ang mga taong napagkamalan siyang Diyosa ay gumawa nga talaga ng rebulto niya.
'Tangina, kailan kaya guguho ang rebulto? Nakakayamot tignan, tsk. Ahhh, tumatayo ang balahibo ko sa tuwing iniisip kong maraming nagdadasal sa rebulto. Hooo...'
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...