“May problema tayo kamahalan,” panimulang wika ni Logan.
“Problema?” Kumunot ang noo ni Paham, ang hari.
“Ayaw ni Grace maging reyna,” may inis sa tonong sagot ni Logan at may kumplikadong ekspresyon sa mukha.
“Anong dahilan ni Grace?”
Napa-isip si Logan kung sasabihin niya ba kay Paham ang dahilan.
‘Sobrang nakakadiri kapag sinabi ko ang dahilan na si Grace ay may pagtingin sa katulad niyang babae.’
“Hindi ko rin alam.”
Napa-ayos nang upo si Paham. Inangat niya ang tingin niya kay Logan na nakatayo sa harapan niya.
Dahan-dahan tumaas ang magkabilang gilid ng labi ni Paham.
“Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala. Matagal ko ng planong gawing reyna si Grace at ibibigay ko na ang trono ko kay Liam. Kaso nga lang, alam mo naman ang sinusunod na batas ng kaharian, hindi ba?”
Tumango si Logan sa mga pinagsasabi ni Paham.
Ang batas na kailangan ay hindi talaga pili ang magiging reyna. Kaya ginawa ang batas na patas, ang mga babaeng galing sa mararangal na pamilya ay pinapadala sa palasyo para malaman kung sino ang tamang maging reyna.
“Anong plano niyong gawin, kamahalan?”
‘Wala naman siyang pakielan kahit may mangyari sa anak niya. Napakabuwaya rin talaga ng lalaking ito,’ komento ni Paham sa isip niya habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya.
Kaya magkasundo sina Paham at Logan ay dahil pareho sila, matakaw sila sa kapangyarihan. Kaya rin mas pabor si Paham sa anak ni Logan, si Grace ay dahil kahit na maging reyna na si Grace ay makokontrol nina Logan at Paham ang kaharian. Bakit? Dahil ang mga anak nila ang magmamana ng trono at hawak pa rin nila ang mga buhay nito. Hangga't buhay pa sina Logan at Paham ay kontrolado at hawak talaga nila ang buhay nina Grace at Liam.
“Aprodisyak(aphrodisiac).”
Napa-atras at napa-uwang ang labi ni Logan.
“Aprodisyak?”
“Gagamit tayo ng gayuma para mapabilis at hindi maka wala ang dalawang tuta.”
“Ha...”
May halong tawang singhal ni Logan.
Ang dalawang tuta na tinutukoy ni Paham ay sina Grace at Liam.
—
“Mahal na Prinsipe, uminom muna kayo ng tsaa. Maganda ang tsaa lalo na kung marami kang ginagawa.”
Inilagay ng lalaking katulong sa lamesa ang tsaa, katabi ng mga papeles. Naka-upo doon si Liam.
“Hmm?”
May pagtatakang lumipat-lipat ang tingin ni Liam sa lalaking katulong na nagdala ng tsaa at sa tsaang nasa tabi ng mga papeles niya.
“Sinong nagbigay nito?” Turo niya sa tsaa.
“Ang kamahalan!” sagot ng lalaking katulong na may saya sa tono.
Naintindihan na ni Liam kung bakit parang sobrang saya ng katulong. Pinadala pala ni Paham si Liam ng tsaa.
‘Ang Hari... anong plano niya?’ Tinitigan niya ng matalim ang tsaa.
“Sinong gumawa niyan?”
“Ako po.”
“Ikaw?”
“Ang Hari ang nag-utos sa akin na gawaan ko kayo ng tsaa dahil alam daw po niya na marami kayong ginagawa.”
Napayuko si Liam at napahawak na lang ang isa niyang kamay sa labi niya para maiwasang tumawa.
‘Ang Hari? Nagpapatawa ba siya? Tsk, halos mataranta at mabahala nga ang hari noong pinanganak ako dahil pakiramdam niya ay aagawin ko na agad ang trono niya.’
Napa-inom na lang si Liam sa tsaang nasa tabi para mapigilang tumawa sa harapan ng katulong.
—
Gabi na pero nasa labas pa rin si Heroine. Hinhintay niyang umuwi si Grace dahil pumunta ito sa libingan ng namayapang ina.
Pasikretong lumabas si Grace para puntahan ang libingan ng mama niya.
‘Hindi ako maka tulog ng maayos dahil pakiramdam ko may kulang. Nakasanayan ko na nga talagang may kasama ako at katabi sa higaan.’
Napayakap si Heroine sa sarili niya dahil sa lamig.
Wala rin sa tabi niya si Hermia at sumunod kay Grace.
‘Hmm?’
Napasingkit ang mata ni Heroine nang may nakita siyang pigura ng tao.
“Grace?”
Lumapit siya dito at napagtanto niyang ibang tao pala ito.
“Paumanhin, akala ko ikaw ang kaibigan ko.”
Tumalikod siya at bumalik na nang tahimik sa tapat ng kuwarto nila ni Grace.
Bubuksan na sana niya ang pinto nang may napansin siyang anino sa likod niya.
“Huh?...”
Dahan-dahan siyang lumingon at huli na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Hermia
ФэнтезиSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...