Mabilis lumapit si Hermia sa lalaki.
“Oh, Hermia. Natapos mo na ba ang misyon mo? Pftt.”
“Ikaw ba ang nagpunta sa amin sa kuwento?”
“Ako ba? Hindi ko alam~”
‘May kakaiba, bakit niya ibibigay kay Mama ang libro? Hindi ba mas maganda kung huwag na lang para matuloy pa rin ang takbo ng kuwento? Nalaman ni mama, nalaman ko rin, at nalaman ng iba.’
Nagtataka si Hermia.
“Ikaw... sinasadya mo ba ang lahat?”
“Sinasadya ko nga ba?” balik na tanong nito.
Nayamot si Hermia.
“M-magkaibigan ba kayo?” mahinang tanong ni Heroine sa may-akda at kay Hermia.
Mabilis umiling si Hermia.
“Ma-una na ako,” paalam ng may-akda at pinulot ang librong pinatalsik ni Hermia.
“Kailangan niyo pang mag-usap ng mama mo bago siya ma—, alam mo na.”
Matamis na ngumiti ang may-akda sa mag-ina.
Naglakad na ito paalis, hanggang sa mawala na ang rebulto nito.
‘Katulad ng pagkawala ng rebulto niya, kailan kaya siya mamamatay? Hindi na ako makapaghintay,’ buong pusong salita ni Hermia sa utak niya.
“I-ikaw ba iyan, Hermia?”
Naramdaman ni Hermia na hinawakan ni Heroine ang likod niya.
Tumingin siya sa mama niya at ngumiti.
“Kahit kailan hindi ako nagalit sa inyo,” malumay na salita niya kay Heroine
Dahan-dahan at malumay siyang hinila ni Heroine para yakapin.
“Sobrang laki mo na...”
“Matagal ko na kayong gustong lapitan ni Hero, pero natatakot ako. Paumanhin dahil hindi ako naging mabuting ina.”
“Paumanhin talaga...”
Lumabo ang paningin ni Hermia. Sa unang beses ay tumulo ang isang patak na luha ni Hermia.
—
Sa kabilang banda, nakatakip ng buong mukha si Hero.
Habang sina Eli at Teresa na gising na ay medyo lumalayo kay Hero dahil nahihiya sila rito.
“Hik... hik...”
Mahinang umiiyak si Hero. Nakita at narinig niya sina Hermia at Heroine. Naabutan niya ang lahat.
Mas lalong lumayo sina Eli at Teresa. Nahihiya sila na baka pagkalaman sila na kakilala nila si Hero.
‘Ako ang nahihiya para sa kaniya,’ Eli at Teresa.
At... pasimpleng tumingin sina Eli at Teresa sa isang tao.
“Oh, pamunas. Kadiri ka, ang dami mong sipon.”
Ang may-akda.
“Tarantado ka,” mura ni Hero sa may-akda.
‘Nakita kong plano mo pang ibigay kay mama yung libro. Mabuti na lang talaga at napigilan iyon ni Hermia. Mas maganda kung hindi na lang malaman ni mama ang bagay na iyon. Alam kong pipigilan ni Hermia ang pagkamatay ni mama.’
Kinuha ni Hero sa kamay ng may-akda ang pamunas.
‘Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa may-akda. Nakakalito na ang mga pinaggagawa niya.’
Ngumiti ang may-akda kina Eli at Teresa pero sinimangutan lang siya ng dalawang bata. Natawa siya sa reaksyon ng dalawa.
Pagkatapos noon ay umalis na siya.
“Kaunti na lang at malapit na,” masayang bulong sa sarili ng may-akda.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasiSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...