Mabilis na gumalaw si Hermia pagkagising niya pa lang.
“I-kuwento mo sa akin ang lahat noong habang natutulog ako,” utos ni Hermia kay Alejandro.
Tumango si Alejandro.
“Inutusan yata ng may-akda ang mga Pangkat na manggulo rito sa Bundok ng Kagandahan.”
Kumunot ang noo ni Hermia.
“Wala na ang may-akda.”
Narinig ng iba ang sinabi ni Hermia kaya lumaki ang tenga nila para marinig pa ang pinag-uusapan nila Hermia.
“Huh?”
Katulad ni Alejandro ay nagtataka rin ang lahat.
“Nagpakamatay na ang may-akda, wala na siya. Mukhang hindi nila alam na patay na ang may-akda. Basta ang utos lang siguro sa kanila ng may-akda ay manggulo?”
Napa-iling-iling si Hermia sa sarili.
‘Gago talaga iyong si Davino, magpapakamatay na nga lang nag-iwan pa ng mga sakit sa ulo, tsk, tsk.’
“Maraming salamat, Alejandro. Sige na, bumalik ka na sa ginagawa mo.” Nagpaalam na sina Hermia at Alejandro sa isa't isa.
Napatingin si Hermia sa malapit na karagatan.
Natatanaw niya ang Pangkat ng mga Balyena na pinangungunahan ni Johan na nagbabantay sa karagatan dahil maaring dumaan doon ang mga Pangkat na manggugulo.
Tumingin naman siya sa Pangkat ng mga Asong Lobo na nag-e-ensayo kasama sina, Alejandro, Erik, Hero, jet, at si Eli, Teresa na nakakapag-anyong tao na.
Napatingin din siya sa Pangkat ng mga Kuneho na abala sa paggawa ng mga armas at iba't iba pang bagay. Ginagabayan sila nina Amari, Mago, at Dayang.
Napangiti si Hermia.
‘Ang galing, ako lang yata ang naliligaw dito. Hahaha!’
Pero nawala rin agad ang ngiti ni Hermia nang mapagtanto niya na pati siya ay may gagawin.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...