“Ang kailangan ko lang gawin ay alagaan at iwasang mamatay si Dayang, Hindi ba?” tanong ni Hermia.
“Oo, ibabalik kita sa tamang oras na pinagmulan mo kung magwagi ka.”
‘Ha, alam niyang hindi dapat ako nandito. Hindi dapat ako nandito sa nakaraan. Alam kaya ng mga Diyos at Diyosa ang The Hero's Sacrifice?’
“Alam mo ba ang The Hero's Sacrifice?”
“The Hero's Sacrifice?”
Bumilis ang tibok ng puso ni Hermia.
‘Hindi niya alam! Paanong hindi niya alam?!’
“Ma-una na ako.”
Bibitawan na sana ni Hermia ang sanga ng puno, pero nagsalita ang Diyosa ng Kalikasan.
“Hindi ka dapat nandito, ang aabutin ko sana ay ang lalaking nagngangalang Enriquez. Siya ang namumuno rito kaya siya dapat, pero tinulak mo siya. Ang suwerte naman niya.”
‘Siya rin kasi ang ililigtas ko sa kamatayan. Siya at si Dayang, kailangan ko silang ilayo sa kamatayan,’ Hermia.
—
Malumay na sinusuklay ni Hermia ang maikling buhok ni Dayang.
“Ang Prinsesa ng Thelanisus... kamukha mo siya, Mama.”
Tumigil si Hermia sa pagsuklay ng buhok.
“Talaga? Ilang taon na ako-siya ngayon?”
“Limang taong gulang din siya katulad ko.”
‘Gusto kong pumunta sa palasyo para bisitahin ang batang ako, kaso baka magkaroon ng gulo.’
“Mama... alam kong ikaw siya, ang Prinsesa ng Thelanisus.”
Nabitawan ni Hermia ang suklay.
Lumingon sa kaniya si Dayang at ngumiti.
“Sinabi niya sa akin.”
Pero, dahan-dahan nawala ang inosenteng ngiti sa labi ni Dayang.
“Sinabi niya rin sa akin na kapag napigilan mo ang mga tao sa pagpapatay sa akin... babalik ka na sa tamang oras...”
Nagsituluan ang mga luha ni Dayang.
“P-pero! Magkikita ulit tayo! Kapag daw pumunta ka ng kusa sa Teritoryo ng Belmonte ay maalala mo na ako! Magkikita ulit tayo!”
Niyakap ni Hermia si Dayang para patahanin.
‘Iyong totoo? Anak mo ba talaga si Dayang? Huh? Parang ang hilig yata ng Diyosa ng Kalikasan na pahirapan ang anak niya. Parang tanga.’
Hinagod-hagod at tinapik-tapik ni Hermia ang likod ni Dayang para tumahan na nang tuluyan.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasíaSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...