Kabanata 66: Ang Pagtitipon (6)

132 15 0
                                    

   “Anong kailangan niyo at napatakbo kayo rito?” taas kilay na tanong ni Hermia sa Pangkat ng mga Leon.

   “Naalarmahan lang kami sa pag-aakalang may pumasok na mga masasamang tao,” dahilan ng pinuno.

   ‘Masasamang tao mo mukha mo, puwede mo namang patayin ang mga iyon kung gusto niyo. Sisiw nga lang sa inyo iyon, eh,’ sarkistong isip ni Hermia.

   “Alam niyo ba kung saan ang Pangkat ng mga Kuneho at Asong Lobo?” tanong na naman ni Hermia.

   Nagkatinginan ang lahat.

   ‘Bakit nila hinahanap ang mga mahihinang nilalang?’

   ‘Anong meron?’

   ‘May kakaiba.’

   “Ah, sundan niyo kami.”

   Tumango si Hermia.

   Nagsimulang maglakad ang Pangkat ng mga Leon para itungo sila Hermia sa Pangkat ng mga Kuneho at Asong Lobo.

   ‘Kuntento akong sumunod sa kanila dahil may kasama akong malalakas, hahaha!’ Hindi maiwasan ni Hermia mapangiti. Tinutukoy niya ang mga kasamahan niya.

   Tatlumpung minuto na ang nakalipas simula nang sinundan nila Hermia ang Pangkat ng mga Leon.

   “Kayo,” malamig na tawag ni Amari sa mga ito habang naglalakad.

   “A-ano po iyon?” magalang na tanong ng pinuno na may kasamang takot sa boses.

   “Sigurado ba kayong alam niyo?” iritang tanong ni Amari.

   “Alam namin!”

   “Magtiwala kayo sa amin!”

   Mabilis na naglakad ang Pangkat ng mga Leon para makapunta na talaga sa Pangkat ng mga Kuneho.

   Sa hindi kalayuan, matatanaw na ang Pangkat ng mga Kuneho.

   Nagsisiyahan ang lahat pero tumigil iyon nang matanaw nila sila Hermia at ang Pangkat ng mga Leon.

   “Nandito na naman sila para manggulo.”

   “Nandito sila para pagtawanan ang pangkat natin.”

   Ang iba sa kanila ay nag-anyong kuneho, habang ang iba ay nakapang-anyo pa rin na tao.

   “Hmm?”

   May naamoy silang mabango.

   “Hindi sila ang Pangkat ng  mga Tigre.”

   “Ang Pangkat ng mga Leon...”

   Puno ng pagtataka ang Pangkat ng mga Kuneho.

   ‘Bakit nandito ang laging naghahari sa gubat?’ Ayon ang iisang katanungan nila.

   Nang makalapit na si Hermia ay bumati siya na may galang, “Magandang araw sa inyo.”

   Maraming napatulala sa kaniya.

   ‘Isang normal na tao pero kakaibang tao.’

   ‘Ginagalang ba niya kami?’

   “Maari ko bang malaman kung nasaan si Nori?” matamis at malumay na tanong ni Hermia.

   “Bakit mo ako hinahanap, Binibini?”

  Napatingin ang lahat sa taong nagtanong.

   Si Nori, ang kuneho at si Ramon, ang asong lobo na katabi nito.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon