Kabanata 10: Nakaraan (10)

1.4K 45 0
                                    

   “Paumanhin talaga sa inyong lahat, lalo na sa iyo Binibining Grace.”

   Humingi ng paumanhin ang Maestra at bumuntong hininga.

   “Naintindihan ko po.”

   Ngumiti si Grace kaya mukhang nakahinga ng maluwag ang Maestra.

   Pagkatapos ay nagsimula na itong magpa-kilala.

   “Ahem, magandang umaga sa inyong lahat. Ako nga pala si Elliot Makisig. Tawagin niyo akong Maestra.”

   Nakangiting tumango ang lahat.

   Bumukas ang pinto kaya natuon ang atensyon ng lahat.

   Iniluwa nito ang babaeng may ngisi  sa labi habang may hawak-hawak na mga papeles.

   “Ang bilis mo naman, Dinah,” komento ni Maestra Elliot.

   “Hehe! Sinadya ko talagang bilisan para makita ko muli agad sina Binibining Grace at Binibining Heroine.”

   Tumingin pa siya sa puwesto nina Heroine at Grace.

   Hindi komportableng ngumiti si Heroine sa kaniya habang si Grace ay may matamis na ngiti sa labi.

   “Dinah,” nagbabantang tawag sa kaniya ni Maestra elliot.

   “Hmm? Po?” inosente nitong tanong habang may ngiti sa labi.

   Bumuntong hininga na naman si Maestra Elliot at tinuro si Dinah.

   “Siya nga pala si Binibining Dinah Rosales. Isa siya sa mga estudyante ko at makakakatulong ko rito.”

   Pakilala niya kay Dinah Rosales kaya nagbigay galang si Dinah habang pinapakilala siya sa lahat.

   “Nagagalak talaga akong makilala kayo.”

   ‘Nagagalak mo mukha mo. Hindi ako nagagalak na makilala ka.’

   Medyo ngumiwi pa si Grace nang iniisip iyon habang nakangiti kay Dinah.

   “Maari na kayong magpakilalang lahat mga binibini.”

   Sumigla ang mukha ng mga babae at nagsimula nang magpakilala isa-isa hanggang sa—

   “A-ako nga pwla si Heroine Rose.”

   Halos mabulol pa si Heroine Rose dahil sa kaba.

   ‘Ngayon ko lang nakitang kinakabahan si Mama,’ wika ni Hermia sa isip niya habang emosyonal na naka tingin sa mama niya.

   “Kinakabahan ka ba Binibining Heroine?” nag-aalalang tanong ni Dinah.

   “A-ah, ito ang unang beses na makikisalamuha ako sa mga maraming tao na matagal at makikipag-usap...” nahihiyang sagot ni Heroine.

   “Nakaka dismaya naman... kaya pala hindi ka namamansin sa mga taong sinusubukang makipag-usap sa iyo at lumapit sa iyo. Bigla-bigla ka ring mawawala na parang bula. Ha... akala ko nga dati ay isa kang walang galang na babae, pero noong nakita kita rito at nagpakilala ay naintindihan ko na,”

   “Kawawa ka naman...”

   Napayuko na lang si Heroine sa mga sinabi ni Dinah dahil sa kahihiyan.

   Patagong napangiwi na naman si Grace nang mapansin ang ekspresyon ni Dinah na may awang tingin kay heroine pero ang mga labi nito ay pinipigilang tumaas. Napansin din ito ni Hermia.

   ‘Ang babaeng ito talaga, hindi ba siya marunong magpigil? Hindi niya ba kontrolado ang dila at eskspresyon niya? Ah, nahihiya ako para sa kaniya.’

   Sabay na iniisip nina Grace at Hermia habang naka titig na may ngiwi, hiya, at awa kay Dinah.

A/N: Gamit ko na ay third person pov dahil mas sanay ako at nasasabi ko ang mga iniisip ng mga bawat tauhan. Sana maintindihan niyo.

Mag-ingat sana kayo lalo na sa panahon ngayon.

Paalam~

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon