‘May masama akong pakiramdam...’ Napayakap si Hermia sa sarili.
“Kung ganoon, sana ligtas at payapa kayong makapunta sa destinasyon niyo. Marami pa akong gagawin bilang magiging Hari ng Alenua.”
Nagbigay galang si Atlas.
Tumango si Hermia na medyo may kunot noo.
‘May nararamdaman talaga akong kakaiba.’ Tumingin si Hermia sa kasamahan.
‘Wala ba silang nararamdamang kakaiba?’
Sumakay muli si Atlas sa puting kabayo. Nagmumukha talagang Prinsipe si Atlas dahil sa gintong buhok na mas maliwanag pa sa araw. Matang mala dagat ang kulay.
“Ako na ang bahala sa mga taong ito. Magpapadala ako ng mga taong mag-aasikaso.” Tinutukoy ni Atlas ang mga misteryosong taong nakahandusay.
“Maraming salamat, Prinsipe Atlas,” pasalamat ni Hermia.
“Walang anuman, Prinsesa Hermia,” tugon ni Atlas.
Tuluyan na ngang umalis si Atlas.
Tahimik na bumalik silang lahat sa karwahe, kasama ang bagong kasamahan.
“Ano nga ulit pangalan mo?” kaswal na tanong ni Hermia sa matandang katulong.
‘Alam ko talaga pangalan niya pero ipapamukha ko sa kaniya na hindi ko siya kilala.’
“Ahem, Johan Lachlan, Prinsesa Hermia,” respetong pakilala ni Johan, ang matandang katulong.
“Mhm.” Tumango na lang si Hermia.
Tumahimik ulit ang loob ng karwahe.
Dahan-dahan ipinikit ni Hermia ang mata niya para matulog.
‘Kahit na naka-upo lang ako, walang ginagawa. Napapagod pa rin ako.’
—
“Oh! Siya ba si Prinsesa Hermia? Napaka gandang dalagita! Pinaghalong Liam at Heroine talaga! Hahaha!”
‘Ang boses na ito...’ Kunot noong minulat ni Hermia ang mata niya.
“Oh, gising ka na rin sa wakas! Iniwanan ka nang mga kasamahan mo at ni Prinsipe Hero. Nauna na silang pumunta kay Heroine.”
‘Hmm?’ Napatingin si Hermia sa paligid niya.
Nakahiga na siya sa kama.
“Dumating na kayo at binuhat ka ng nagngangalang Alejandro.”
Tumango-tango si Hermia kay Dinah.
Narinig nila ang pagbukas ng pinto.
“Oh, nandito na kayo! Nagluto na ako. Kumain na kayong lahat,” masiglang wika ni Dinah.
‘Ang ingay niya.’ Kinamot ni Hermia ang tenga niya dahil na-iingayan siya kay Dinah.
“Hermia, gising ka na pala. Nauna na kaming pumunta kay mama. Bukas ka na lang pumunta dahil gabi na—”
Pinutol ni Hermia si Hero.
“Pupunta ako. Bukas tayo babalik kasama ang katawan ni mama sa Thelanisus.” Tumayo si Hermia sa kama at lumapit sa mga kasamahan.
“Kumain na kayo. Alam kong mas napagod kayo sa byahe.” Tinapik pa ni Hermia si Hero sa balikat.
“Hermia, sasamahan kita—”
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...