Kabanata 28: Lesson (1)

387 18 1
                                    

   Dumating na ang grupo nila Hermia sa Kaharian ng Alenua. Naglalakad sila sa isang siyudad ng Alenua.

   Umaktong normal na tao lang sina Hermia at Hero. Hindi sila magpapakilala sa Kaharian ng Alenua na Prinsesa at Prinsipe sila sa Thelanisus.

   Ang Kaharian ng Alenua at Kaharian ng Thelanisus ay magkapitbahay lang. Ang pinagkaiba nga lang ay malakas at malaki ang Kaharian ng Alenua kaysa sa Kaharian ng Thelanisus.

   “Oo nga pala... anong pangalan niyong dalawa?” tanong ni Hermia sa pusa at ahas.

   “Ako si Eli at siya si Teresa,” pakilala ng batang ahas na nagngangalang Eli. Tinuro niya ang pusa na nagngangalang Teresa.

   “Ako nga pala si Hermia at siya si Hero,” pakilala rin ni Hermia sa dalawang bata. Tinuro niya rin si Hero.

   “May alam ba kayong lugar na matutuluyan natin?” tanong ni Hermia sa lahat.

   Isang araw silang naglakbay para makapunta na nang tuluyan sa Alenua.

   Kaya ngayon ay sobrang pagod nila. Hinang-hina na talaga si Hermia.

   “May alam ako,” biglang wika ni Hero.

   Napatingin sa kaniya ang lahat.

   “Tumuloy muna tayo sa kakilala ko.” May malaking ngiti si Hero noong sinabi niya iyon.

   “Sige, ipunta mo kami sa kakilala mo,” pagod na salita ni Hermia at tinapik ang likod ni Hero.

   “Sumunod kayo sa akin,” mayabang na naglakad si Hero, hawak-hawak ang isang alak.

   Nakaramdam ng pagka-irita si Hermia sa kinikilos ni Hero.

   Tahimik na lang na sumunod ang lahat kay Hero.

   “Mahal kong kaibigan! Kumusta? Ahahaha!”

   Salubong ng lalaking mala chokolate ang buhok at mata.

   “Heto, putangina buhay pa! Hahaha!”

   Nagyakapan si Hero at ang kakilala niya.

   Naghiwalay na sila ng yakap.

   “Sino sila?” tanong nito at tinuro sila Hermia.

   “Ah, mga kasama ko,” sagot ni Hero.

   Lumapit si Hermia sa kakilala ni Hero.

   “Ako nga pala si Hermia,” pakilala niya.

   Inabot ni Hermia ang kamay niya at inabot din iyon ng kakilala ni Hero.

   “Aragon Adalric ang pangalan ko,” pakilala rin nito.

   “Aragon!” Inakbayan ni Hero si Aragon.

   “Oh?” tinignan ng nagtataka ni Aragon si Hero.

   “Puwede bang...” Tinignan ni Aragon ang mga kasama ni Hero habang nagsasalita pa lang si Hero.

   Pagod na pagod ang mukha ng lahat. Lalo na si Hermia, pero maliban na lang kay Alejandro na malakas pa.

   Sa pagtingin pa lang ni Aragon ay alam na niya kung anong sasabihin ni Hero.

   “Oo naman!” mabilisang sagot ni Aragon sa sasabihin pa lang ni Hero.

   “Bwahahaha!”

   Sabay na tawa nina Aragon at Hero.

   Inip na inip na si Hermia. Gusto na niyang humiga at matulog.

   ‘Dapat pala ay hindi ko tinanggihan ang alok ni Papa.’

   “Magdala ka ng karwahe,” Liam.

   “Hindi na po kailangan,” Hermia.

   “Kahit kabayo na lang,” Liam.

   “Ayoko po, gusto kong masaya at hindi malilimutang paglalakbay ang mararanasan ko. Kapag nakita nila ang karwahe ay malalaman nila na isa kaming Prinsesa at Prinsipe ni Hero dahil sa simbolo ng Thelanisus,” Hermia.

   ‘Walang masaya sa paglalakbay at hindi ko malilimutan ang pagod na ito,’ pagod na isip ni Hermia.

   Papikit-pikit na si Hermia at tuluyan na ngang bumigay ang katawan niya.

   Mabuti na lamang ay nasuportahan agad ni Alejandro si Hermia.

   “Hermia!”

   Sigaw nila sa pangalan ni Hermia pero huli na dahil mahimbing na ang tulog ni Hermia.

   Dahan-dahan minulat ni Hermia ang mga mata niya. Nagising siya dahil sa ingay.

   Napatingin siya sa tabi niya. Mahimbing na natutulog sa tabi niya ang pusa at ahas.

   Umalis nang dahan-dahan si Hermia sa kama para hindi niya magising ang dalawang bata.

   Lumabas si Hermia sa kuwarto at tumambad sa harapan niya ang naka luhod na sina Hero at Aragon.

   Naka-upo si Alejandro sa maganda at malambot na upuan. Tumungga si Alejandro ng alak.

   “Kayong dalawa. Bakit kayo umiinom ng alak?! Ang babata niyo pa!”

   Napayuko sina Hero at Aragon dahil sa sigaw ni Alejandro.

   ‘Nakakatakot malasing si Alejandro,’ Hero.

   ‘Parang hindi naman lalayo ang mga edad namin. Bakit naman siya umiinom ng alak?’ Aragon.

   “Paumanhin po...” magalang na paumanhin nina Hero at Aragon habang nakaluhod kay Alejandro.

   Namumula ang mukha ni Alejandro dahil sa pagkalasing.

   “Ha! Anong mga kasalanan ang mga pinaggagawa niyo sa tanang ng buhay niyo?!”

   Nanginig ang katawan nina Hero at Aragon.

   “B-bakit kailangan niyo pong itanong?” magalang na tanong ni Aragon.

   “Para bigyan ko kayo ng lesson!”

   “Lesson? Pagkain ba iyon?” tanong ni Hero kay Alejandro.

   Tumawa ng malakas si Alejandro.

   “Hindi iyon pagkain pero kailangan niyo iyon,” sagot ni Alejandro at tumungga ulit ng alak.

   “Talaga? Kung ganoon, gawin mo sa amin o ipakita mo sa amin ang lesson na sinasabi mo!” determinadong wika nina Hero at Aragon.

   Napatingin si Alejandro sa kinatatayuan ni Hermia.

   Nanlaki ang mata ni Alejandro.

   “Ayos na ba ang pakiramdam mo, Hermia?” mabait na tanong ni Alejandro kay Hermia, pero hindi iyon narinig ni Hermia dahil mabilis itong tumalikod pabalik sa kuwarto.

   Nakaramdam ng masamang pakiramdam si Hermia kaya mabilis siyang bumalik sa kuwarto.

   ‘Baka madamay ako sa pagkalasing ni Alejandro. Nakakatakot pala siya pagnalalasing. Baka pati ako ay lumuhod sa kaniya at kailangan kong sabihin ang mga kasalanan ko.’

   ‘Kawawa naman sina Hero at Aragon. Ano kayang lesson ang sinasabi ni Alejandro?’ Nakaramdam ng panlalamig si Hermia.

   ‘Nakakatakot na lesson siguro ang gagawin niya kina Hero at Aragon. Sana maging maayos sila bukas.’

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon