Dahan-dahan sasaksakin ni Davino ang puso niya nang bigla na lamang siyang pinigilan ni Angel.
Nakabalik na si Angel.
“Bakit ka magpapakamatay?! Sobrang pogi mo para mamatay!”
Pagka-alis ni Hermia sa katawan ni Angel ay nagulat si Angel nang makita niyang magpapakamatay si Davino.
‘Wala na nga ang poging sina Cohen at Alejandro tapos ikaw naman ang mawawala?! Hindi ako papayag!’
“Eh? Kagaguhan mo Hermia?” tangang tanong ni Davino.
Napahawak si Angel sa bibig niya.
“Ang Davino namin! M-marunong nang magsalita ng bad word! Ah! Hindi ko matanggap!”
Mabilis nag-iba si Angel at tinignan si Davino nang may panlalaki ang mga mata.
“H-h-hermia? Sino iyon?”
Nagtaka si Davino at Angel sa isa't isa.
“M-may girlfriend ka na?” hindi matanggap na tanong ni Angel kay Davino.
“Hindi ikaw si Hermia? Ikaw na ba si Angel?”
Napa-upo si Angle sa sahig at napatulala kay Davino.
“Ikaw... pakiramdam ko may saltik ka na sa utak, Davino. Okay lang iyan, kahit na pagkamalan mo akong Hermia na tinutukoy mo, hindi pa rin magbabago ang pagka-adik ko sa mukha mo! Hahaha!”
Pasikretong ngumiwi si Davino kay Angel.
‘Baka ikaw ang may kailangan noon. Siya na talaga si Angel.’
Bumalik ang atensyon ni Davino sa patalim na binigay ng Diyos ng Kamatayan.
Pero, nagulat siya nang bigla na lamang hinigit ni Angel iyon at tinago sa loob ng bra.
“Hehe! Kung gusto mong makuha ang bagay na ito, kunin mo sa bra ko! Haha!”
Napahawak sa noo si Davino.
‘Siya talaga si Angel. Ha... parang mas maganda kung matulog na lang ako at mapunta sa kabilang mundo.’
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...