“Bakit ba kayo hindi magkasundo?” panimulang tanong ni Agustin Parel, ang Hari ng Pershia.
Walang nagsalita.
“Ehem, Hermia,” tawag ni Everest kay Hermia.
“Bakit ka nandito?” tanong ni Hermia.
“Binisita ko lang ang Pershia at binigyan ang batang hari ng mga payo,”
“Ah, Nabalitaan kong binato mo ang pagiging prinsesa, naalala ko tuloy ang kaibigan ko. Binato niya rin ang pagiging Prinsesa. Ayon nga lang, hindi ko alam kung anong kaharian siya galing,” pagpatuloy niya pa.
Tumango-tango na lamang si Hermia at hindi pinansin ang bagay na iyon. Inabot niya ang tasa at uminom.
“Hindi dapat tayo nagtatalo-talo,” salita muli ni Agustin.
Sumangayon si Everest sa batang Hari.
“Tsk.” Uminom ng tsaa ang lalaki o ang tinatawag nating ang may-akda.
Nandito silang lahat ngayon sa palasyo ng Pershia.
Ang may-akda at sila Hermia.
Saktong nandito rin ang Reyna ng Hearth, si Everest.
Umiinom sila ngayon ng tsaa sa magandang hardin ng palasyo.
“Oh, anong oras na pala.” Napatingin si Agustin sa orasan.
“Marami pa pala akong aasikasuhin, paumanhin, pero Reyna Everest puwede po bang kayo na ang bahala sa kanila?”
“Oo naman.”
Mabilis umalis si Agustin dahil alam niyang marami siyang gagawin para sa kaharian.
Nang maka-alis si Agustin, mabilis na nagtanong si Everest kay Hermia.
“Hermia, hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo. Pero puwede ko bang malaman?”
“Malaman? Ang alin?” balik tanong nito.
“Kung bakit niyo naka-away ang Pangkat ng mga Tigre at ang binata na ito.” Tinuro pa ni Everest ang may-akda.
Hindi umimik ang may-akda.
Sasagot na sana si Hermia nang may dumating sa tabi ni Everest na katulong.
Bumulong ang katulong kay Everest na ikinalaki ng mata ni Everest.
Mabilis tumayo sa kinauupuan si Everest. “Ang anak ko, may sakit ang anak ko.”
Tinapik ni Everest ang balikat ni Hermia.
“Kailangan niyong ayusin iyan.” Tumango na lang si Hermia rito.
Mabilis naglakad paalis si Everest.
‘May sakit ang batang Prinsesa ng Hearth,’ Hermia.
Tumingin si Hermia sa kasamahan niya. Nandito sina Alejandro, Hero, Erik, Jet, Mago, Nori, Ramon at Amari. Si Johan lang ang wala.
‘Anong pinaggagawa ng matandang iyon?’
Tumayo na rin ang may-akda sa kinauupuan.
“Hoy, mag-usap tayo.”
Tumango ang may-akda sa sinabi ni Hermia.
Nagsimula itong maglakad.
Sumunod si Hermia rito.
Lumingon si Hermia kay Alejandro at sumenyas na sumama.
Naiwan namang nagtataka ang iba nilang kasamahan pero pinili nilang hindi sumunod dahil si Alejandro lang naman ang sinenyasan ni Hermia.
Huminto sa isang silid at pumasok ang may-akda.
“Dito ka lang, Alejandro. Sisigaw ako at ang ibig sabihin noon ay kailangan ko ang tulong mo, maliwanag?” Tumango si Alejandro sa utos ni Hermia.
Kailangan ni Alejandro magbantay para pigilan din ang ibang pumasok sa silid.
Pumasok na nang tuluyan si Hermia sa silid.
Nakita niyang tahimik na naka-upo ang may-akda.
“Sabi ko na nga ba hindi ka mananatili, mabuti na lamang at nakapaghanda ako,” Hermia.
“Haha, gusto mo bang maging bida? Tinatakasan mo na ba talaga ang pagiging Kontrabida?” pang-aasar sa kaniya ng may-akda.
Natawa si Hermia dahil sa pagka-inis.
“Sinong tangang nagsabi na gusto kong maging bida? Tumatakas ako sa pagiging kontrabida? Ayos ba ang utak mo?”
Na-iinis si Hermia dahil nadamay siya sa trabaho ng mga bida. Pero kahit anong gawin niya ay isa pa rin siyang tauhan at kailangan niya ring harapin ang tinatawag nilang may saltik sa ulo na manunulat o may-akda.
“Sige.” Tumayo na sa kinauupuan ang may-akda at nilagpasan si Hermia.
Nang makalabas siya ay ngumiti at tinapik niya ang balikat ni Alejandro.
“Hindi ka ba nangungulila sa totoo mong mundo?”
Hindi siya pinansin ni Alejandro at pumasok sa loob ng silid papunta kay Hermia.
“Hindi na ako makapaghintay,” huling salita ng may-akda bago siya mawala.
—
Kinaumagahan ay umalis na agad ang may-akda.
Dumating si Johan at may nakasunod sa kaniya na babae at lalaki.
“Bumalik ka na kasi, papa!”
“Maraming sasaya sa pagbalik mo, pa!”
Pagmamaka-awa ng dalawa.
Natanaw iyon ni Hermia sa bintana.
‘Eh? May anak pala siya. Nandito sa Kaharian ng Pershia nakatira ang pamilya niya?’
“Sabi na, eh! Hindi ako nagkakamali! Hahaha!”
Napahawak sa dibdib si Hermia dahil sa pagkakagulat na nasa tabi na niya si Erik.
Nakatanaw din si Erik.
Naglakad si Hermia paalis sa bintana pero napatigil siya nang marinig niya ang sunod na sinabi ni Erik.
“Si tanda, isang pinuno si tanda sa Pangkat ng mga Balyena!”
‘Eh?!’ Hermia.
Bumalik si Hermia sa bintana.
Kulay berde ang kulay ng mata at buhok ng dalawang nagmamaka-awang nakasunod kay Johan.
Napakaganda ng babae at lalaki.
‘Bakit hindi sinabi sa kuwento?’
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...