Kabanata 34: Digmaan (1)

314 20 0
                                    

   “Naayos niyo na ba ang lahat?” tanong ni Hermia habang nakatingin sa mga kasamahan.

   “Ayos na ang lahat, Prinsesa Hermia,” sagot ni Johan.

   Napatango si Hermia.

   “Tayo na at bumalik na sa Thelanisus.”

   Naglakad papunta si Hermia sa dalawang karwahe.

   “Hmm?” Nagtataka siyang tumigil sa dalawang karwahe.

   “Johan, bumili ka nga ng isa pang karwahe pero... sinong magpapatakbo ng isa?” tanong ni Hermia at lumingon kay Johan.

   Ang isang karwahe ay para sasakyan nila, habang ang biniling karwahe ay para lang kay Heroine. Oras na para i-uwi si Heroine.

   “Ah, ayon ba.” Biglang sumulpot sa tabi si Dinah.

   Napakunot ang noo ni Hermia nang mapansin niya si Dinah na may maraming dalang bagahe.

   “Ang pamangkin ko na si Jet ang magpapatakbo ng isa.” Inakbayan ni Dinah ang binatang nasa tabi niya.

   Malaking ngumiti si Jet.

   “Huwag kayong mag-alala. I-ingatan ko ang Reyna Heroine!”

   Napa-atras si Hermia dahil na-ingayan siya nang sinigaw iyon ni Jet.

   “Sige, tama. Mauna na ako.”

   Ngumiti pa si Hermia kahit na may kunot noo ang mukha niya.

   ‘Nararamdaman kong magkatulad sila ni Dinah.’

   “Hahaha! Naalala ko talaga kung gaano ka-bobo si Grace. Hahaha!”

   Hanggang ngayon ay may kunot noo pa rin si Hermia sa mukha.

   ‘Naka limutan kong kasama pala ang babaeng ito!’

   “Ahhh! Prinsesa Hermia! Napakaganda mo talagang dalagita! Ikaw din Prinsipe Hero, ikaw ang lalaking bersyon ni Heroine!”

   Nag-iingay si Dinah sa loob ng karwahe simula noong umalis sila sa bahay niya.

   “Hindi ka ba nangangambang iwanan ang bahay mo?” tanong ni Hermia kay Dinah.

   “Hindi,” mabilis na sagot nito.

   “At hindi na ako makapaghintay na makita muli si Grace! Hihi!” sabik na salita pa nito.

   ‘Kawawang Binibining Grace, kailangan niyang harapin si Binibining Dinah.’ Napa iling-iling si Hermia.

   Sumilip si Hermia sa likod nila. May binta sa likod ng karwahe kaya nakita niya ang nakasunod na karwahe sa kanila.

   Si Jet ang nagpapatakbo sa isang karwahe na kinalalagyan ni Heroine. Habang si Alejandro naman ang nagpapatakbo sa sinasakyan nilang lahat.

   ‘Makapagpahinga kaya ako kapag uwi ko sa Thelanisus?’

   Bumalik ang tingin ni Hermia kay Dinah dahil sa ka-ingayan nito.

   ‘Na parang hindi.’

   “Nandito na kayo!”

   Salubong agad ni Grace kila Hermia.

   “Grace!”

   Kumunot ang noo ni Grace nang makita si Dinah na bumaba sa karwahe.

   “Hahaha! Nandito na ako Grace!” Masayang lumapit si Dinah kay Grace at niyakap.

   “Mhm, nandito ka nga.”

   Parang walang pakielam si Grace kay Dinah pero niyakap niya pa rin ito pabalik.

   Bumalik na sila sa Thelanisus.

   Lumapit si Hermia kay Liam.

   “Papa, nasa kabilang karwahe si mama—”

   “Nagdeklara ng digmaan ang Kaharian ng Alenua.”

   Puno ng pagtataka at katanungan ang mukha ni Hermia.

   “Puwede niyo po bang ulitin ang sinabi niyo?”

   Pilit na inaayos ni Hermia ang komplikado niyang ekspresyon.

   “Nagdeklara ng digmaan ang Kaharian ng Alenua. Hindi ko alam kung bakit.”

   “Hmm? Bakit? Anong dahilan nila? Digmaan?! Sobrang biglaan naman. Dahil ba hindi kami nagpa-alam na pupunta kami sa kaharian nila? Sinabi ko na ang dahilan, ah! Hindi niya ba naintindihan iyon?!”

   Napatingin ang lahat kay Hermia dahil sa galit niyang mga salita.

   Ngayon lang nila nakitang magalit ang Prinsesa ng Thelanisus.

   “D-digmaan?!” hindi makapaniwalang wika ni Jet. Kumikinang ang mga mata niya.

   “M-maraming—ah!—ahm! S-sobrang madugo! Pula! Ang mga lupa at dagat ay magiging kulay pula! P-paboritong kulay ko iyon!” Ang daming tumingin na mga tao kay Jet.

   Mga dumadaan na mga katulong, kabalyero, at kawal ay tinignan si Jet na parang nasisiraan ito ng ulo.

   ‘Anong nangyari? Nag-usap kami ng maayos, hindi ba? Hindi ba naintindihan ng Atlas Amos na iyon ang dahilan ko?! Ang Prinsipe na iyon! Dahil lang hindi namin pinaalam sa kanila na pupunta kami sa kaharian nila! Ha! Napakawalang kuwenta!’

   Na-iirita na talaga si Hermia.

  

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon