Tahimik na nakasakay sa karwahe sila Hermia.
Hanggang ngayon ay hindi kinikibo nina Eli at Teresa si Hermia.
Habang si Dayang naman ay masayang katabi si Hermia.
“Binibining Hermia, ayos ka lamang ba talaga?” nag-aalalang tanong ni Enriquez kay Hermia.
Tumango si Hermia.
“Paumanhin talaga, hindi ko alam na may ganoon pa lang puno sa bundok na iyon. Paumanhin talaga,” paumanhin ni Enriquez.
“Ayos lamang, hindi naman lahat ng bagay ay alam natin.”
‘Nayayamot pa rin ako dahil sa rebulto.’
“Ginoong Enriquez, anong mangyayari kung bigla na lamang gumuho ang rebulto?” seryosong namang tanong ni Hermia.
Nagulat si Dayang at sumigaw.
“Hindi puwede! Napakaganda ng rebulto!”
‘Sa tuwing nangungulila ako kay Mama ay tumitingin ako sa rebulto para mapawi ang nararamdaman kong kalungkutan!’ Dayang.
“Gagawin ulit namin. Sobrang ganda ng rebulto na iyon kaya hindi namin makakalimutan ang hitsura na iyon at gagawa ulit kami,” masayang sagot naman ni Enriquez.
Pasikretong ngumiwi si Hermia.
‘Pagkatapos kong asikasuhin ang lahat ay papasabugin ko rin ang rebulto na iyon.’
Patuloy ang pagpaplano ni Hermia na pasabugin, wasakin, paguhuin, gibain, at sirain ang rebulto.
Hanggang sa maka-uwi na sila sa kastilyo ng Belmonte.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...