“Hermia, kapatid mo ba iyon?” Nabaling ang atensyon ni Hermia kay Amari.
May tinuro si Amari kaya tumingin siya doon.
“Hero?”
Naglalakad palapit sa kanila si Hero, kasama si Jet at sobrang dumi ng mga hitsura nila.
“Anong nangyari sa inyo?” tanong ni Hermia nang maka lapit sa kaniya ang dalawa.
“Pasikreto kaming tumakas sa palasyo,” pagod na sagot ni Hero.
“Sobrang saya!” masayang wika naman ni Jet.
Bumuntong hininga si Hero.
‘Kawawang Hero, ang hirap sigurong pakitunguhan si Jet.’
“Nakita ko iyong iniwan mong sulat sa akin na tutungo ka sa mga kamag-anak ni mama, hindi mo sinabi ang lugar kaya ako na mismo ang naghanap. Umabot tuloy ng ilang araw,” wika pa ni Hero.
Medyo naawa si Hermia sa kakambal, nakatingin siya nang naawa kay Hero.
“Pasubugin ko rin kaya ang kalahati ng palasyo? Pero, kaka-ayos lang noon,” wala sa sariling salita pa ni Hero.
Niyakap ni Hermia si Hero.
Medyo nagulat sina Alejandro, Erik, Eli, at Teresa na napalitan agad ng lungkot, habang nakatingin sa magkakambal.
Nalulungkot sila para sa dalawa dahil matagal ng hindi nagkikita ang dalawa. Hindi, isang linggo pa lang pala ang nakalipas simula noong huling pagkikita ng magkakambal.
“Hero, huwag na huwag mong gagawin, subukan mo. Kailangan mong maging Hari ng Thelanisus,” malamig na bulong ni Hermia sa tenga ni Hero.
“Haha! Akala ko kaya mo ako niyakap dahil nangungulila ka sa akin, tae ka. Sobrang sama mo talaga.”
Tumawa si Hermia at bumitaw na ng yakap kay Hero.
Nagtama ang mga mata nina Amari at Hero.
Mala rosas ang kulay ng mata at buhok. Pareho sila.
“Ah? Kapatid po ba kayo ni mama?” tanong ni Hero kay Amari.
“Lola niyo ko, Amari ang pangalan ko pero lola ang itawag mo sa akin,” sagot ni Amari.
Nagtaka ang mukha ni Hero at tumingin kay Hermia ng nagtatanong.
“Isa siyang Dragon kaya mukha pa ring dalagita ang mukha niya, ah, 902 na taong gulang na siya,” sagot ni Hermia.
“Huh?! Paanong nangyari iyon?” nagtataka at gulat na salita ni Hero.
‘Kung ganoon ay may dugo kaming Dragon?! Oh! Oh! May dugo kami ng pinaka mataas at malakas na nilalang sa mundo!’
“Ehehe...”
Napahawak si Hero sa labi niya dahil hindi niya mapigilang tumawa at ngumiti.
‘Baliw,’ komento ni Hermia sa isip habang pinapanood si Hero.
Napatingin si Hermia kay Jet na nakatulala na lang sa kawalan.
“Mabuti na lang at sumama ka kay Hero, Jet. May ipapagawa ako sa iyo,” salita ni Hermia kay Jet.
Nagising si Jet sa pagkakatulala at kuminang ang mga mata niya.
“Madugo ba ang ipapagawa mo sa akin? Hahaha! Hindi talaga akong nagsisi na sumama dito! Ahh! Mapupulang lupa at dagat! Hindi na ako makapaghintay na makakita noon!”
Napa-atras sina Hero at Hermia. Bumuntong hininga sina Alejandro at Erik. Napa-iling-iling naman ang dalawang bata.
Walang reaksyon sina Johan at Amari.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...