Kabanata 93: Davino (6)

109 14 0
                                    

   Tumungo si Hermia sa hospital.

   Nalaman niya ito dahil sa alaala ni Angel.

   Pasimple siyang pumasok sa kuwartong kina-lulugaran ni Davino.

   Bumungad sa kaniya ang mahimbing na natutulog na si Davino.

   ‘Heto pala ang hitsura niya kapag wala siyang maskara? Guwapo nga siya pero mas Guwapo pa rin sila Alejandro.’

   Nilabas ni Hermia ang binigay sa kaniya ng Diyos ng Kamatayan.

   Kailangan dahan-dahanin ni Hermia ang matulis na bagay na binigay sa kaniya dahil sobtang tulis talaga nito.

   ‘Saan magandang saksakin ang lalaking ito?’

   “Tangina talaga...”

   Napatigil si Hermia at tumingin sa taong nagsalita.

   Gising na si Davino, ang dating Diyos ng Kapalaran, at ang may-akda.

   “Nakakaputangina talaga.”

   Napasuklay ng buhok sa inis si Davino.

   Umupo ito at nagtama ang mga mata niya at ni Hermia.

   “Hmm? Angel?” nagtatakang tanong nito kay Hermia.

   Natawa si Hermia dahil hindi alam ni Davino na siya si Hermia na nasa katawan ni Angel.

   “Bakit ka gumising, hindi ba gusto mong mamatay? Kaya bakit ka pa nag-abalang gumising?” tanong ni Hermia na may ngiti sa labi.

   Ilang segundo si Davino nagtaka.

   ‘Alam kong baliw na babae si Angel pero kahit kailan ay hindi nagsasalita tungkol sa kamatayan si Angel dahil takot siya sa kamatayan.’

   Tinignan nang mabuti ni Davino ang may ngiti sa labi na si Hermia.

   ‘Ang pagngiti na ito ay kakaiba.’

   Dahan-dahan napagtanto ni Davino.

   “Ang galing naman, nandito ka rin Hermia? Anong ginagawa mo sa katawan ni Angel?”

   Pumalakpak si Hermia.

   “Galing! Alam mo na kung sino ako!”

   Mabilis sumeryoso si Davino.

   “Ngayon, anong ginagawa mo rito? Akala mo ba mapipigilan mo akong maabot ang kagustuhan ko?”

   “Ang kagustuhan mong mawala na lang? Tutulungan pa nga kita, eh.”

   Hindi naniwala si Davino.

   Napansin iyon ni Hermia na hindi naniniwala sa kaniya ni Davino kaya ipinakita niya kay Davino ang matulis na bagay na binigay sa kaniya ng Diyos ng Kamatayan.

   Nang makita ni Davino iyon ay nanlaki ang mata niya.

   ‘A-ang pakiramdam na ito! Kamatayan!’

   “Bigay ba iyan ng Diyos ng Kamatayan?!” masayang tanong ni Davino kay Hermia.

   Tumango si Hermia.

   “Akin na!”

   Mabilis binigay ni Hermia kay Davino ang matulis na bagay.

   Tuwang-tuwa ang mukha ni Davino.

   ‘Sa wakas, mamamatay na ako! Ayokong maging taong mamamatay at mabubuhay muli! Ayokong magaya kay Adin at Suya! Hahaha!’

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon