Kabanata 84: Ang Kuwento (14)

102 14 0
                                    

   Ibibigay ni Hermia ang mga gamot na gawa ni Amari kay Heroine.

   “Mama, magpahinga ka muna at tama na muna ang paglalakbay.”

   Nagbigay rin siya ng mga payo kung paano makaligtas sa mga bagay-bagay. Naalala ni Hermia na ang ikinamatay daw ni Heroine ay dahil nabagsakan ng mga buhangin at mga bato si Heroine.

   “Hindi ko alam kung bakit mo ito sinasabi pero susundin ko ang mga payo mo!” masiglang tugon ni Heroine sa anak.

   Bumuntong hininga si Hermia na may ngiti sa labi. Nakukuntento siya.

   May narinig silang malalakas at mabilis na hakbang.

   “Hermia! Heroine! Hero!”

   Malakas kumatok ang taong iyon.

   Si Hero ang nagbukas ng pinto.

   Bumungad sa kanila ang mukha ni Grace na nag-aalala.

   “N-nabasa ko ang sulat ni Heroine na patay na si Dinah!”

   Mabilis sumulpot si Dinah sa harapan ni Grace.

   “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?” Siningkitan ni Dinah ng mata si Grace.

   “B-b-buhay ang patay! N-nasaan—”

   Namumutla ang buong mukha ni Grace.

   Sumulpot sa tabi ni Dinah si  Heroine na may ngiting hiya sa labi.

    “Grace... paumanhin, nagkamali ako. Hehe, patawad?”

   Napunta ang mata ni Grace kay Heroine. Nanginginig ang mga mata ni Grace habang nakatingin kay Heroine.

   ‘Kahit ilang taon na kaming hindi nagkikita ay ganito pa rin ang nararamdaman ko.’

   Lumipat-lipat ang mata ni Dinah sa dalawa at ngumisi.

   “Ang galing! Mukhang tinadhanang magkita muli tayo! Mwhahaha!” Si Dinah mismo ang humila sa dalawa para magyakap silang tatlo.

   ‘Ang saya nila,’ komento ni Hermia habang pinapanood ang tatlong magkaibigan na magkita muli.

  

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon