“Nakakatakot at napaka halimaw makipaglaban,” komento ni Hermia habang pinapanood si Alejandro.
Nakikipaglaban at ensayo si Alejandro sa mga kawal at kabalyero.
‘Sana hindi niya masira ang lugar ng ensayo.’
Tinulungan ni Alejandro ang isang kawal na tumayo.
“Woah! Sobrang lakas mo talaga!” puri nito kay Alejandro. Nahihiyang ngumiti naman si Alejandro.
“Binigyan mo rin siya ng espada?” tanong ni Hero kay Hermia. Magkatabi silang nakasilip sa bintana. Pinapanood nila si Alejandro.
“Oo,” sagot ni Hermia.
“Ha... sana pala nalaman ko. Kung alam ko lang, hindi ko bibigay kay Alejandro ang espada. Tignan mo, dobleng espada ang nasa kamay niya! Nakakatakot!”
“Sinabi mo pa.”
Masaya nang nakikipag-usap si Alejandro sa mga kawal at kabalyero.
Isang linggo nang hindi munang aalis sina Hero, Hermia, at Alejandro.
Nag-aalala si Hermia na baka maulit ulit ang nangyari sa Siyudad ng Czyrah.
Pero mabuti na lamang ay tahimik na at wala ulit nangyaring gulo.
“Hero, tawagin mo na si Alejandro. Oras na para magbayad siya.”
Tumango si Hero at maglalakad na sana paalis sa kuwartong nilulugaran niya at ni Hermia. Nasa pinto na si Hero pero napatigil siya dahil nagsalita si Hermia.
“Huwag ka munag maglalasing dahil may importante tayong gagawin, naintindihan mo? Hero.”
Tumawa si Hero.
“Hmm? Wala ka talagang alam sa akin, Hermia. Hindi mo ba alam na kapag nalalasing ako ay mas lalo akong ginaganahan.”
Kumunot ang noo ni Hermia.
‘Baliktad ba siya?’
“Labing limang taong gulang ka pa lang, ah.”
“Ehehehe...”
Napakamot sa pisngi si Hero at tumawa na lang kay Hermia.
Napa-iling-iling naman si Hermia at tuluyan nang umalis si Hero.
Bumalik na rin si Hero makalipas ang ilang minuto.
Katabi niya si Alejandro na sa likuran nito ay maayos na nakalagay sa lalagyanan ng espada ang dalawang espada. Ang binigay ni Hermia at ni Hero na espada.
“Oras na para umalis,” wika ni Hermia at dahan-dahan ngumiti.
Nakakaramdam ng pagkasabik si Hermia dahil heto ang una niyang paglalakbay na pupunta siya sa malayong lugar.
Sa kanilang tatlo. Si Hero ay may mas karanasan sa paglalakbay dahil pala gala at rebelde si Hero. Si Alejandro naman ang mas angat pagdating sa labanan.
Habang si Hermia ay laging nanatiling nakakulong sa personal na silid aralan. Marunong makipaglaban at malakas din si Hermia, iyon nga lang... nakulangan siya sa istamina kaya madali rin siyang mapagod at manghina. Pero kahit na mababa ang istamina niya sa pakikipaglaban ay malakas naman ang istamina niya pagdating sa kalusugan ng pag-iisip, lalo na sa mga komplikadong sitwasyon.
At nagsimula na nga silang tatlong gumalaw patungo sa kabilang kaharian.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantastikSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...