Katatapos pa lang ang pagtuturo ni Maestra Elliot. Mabilisan lang din ang pagbisita ni Liam sa mga dalaga dahil marami pang gagawin si Liam bilang prinsipe at susunod na hari.
Ngayon ay masayang naglalakad sina Grace at Heroine sa hardin. Nakasunod na lumulutang si Hermia sa kanila.
“Heroine, anong relasyon mo sa mahal na Prinsipe?”
“Hmm? Bakit mo naitanong?”
“Kasi... nakita kita... ngumiti kaya sa isa't isa na parang matagal na kayong magka-kilala.”
“Ah... ayon ba? Ngumiti siya sa atin kaya ngumiti rin ako. At relasyon? Pangalawang beses ko pa lang siya nakikita, unang beses iyong araw ng piging at ang pangalawa ay ang ngayon. Bakit?”
“Ganoon ba?! Magaling!”
Napalakpak pa si Grace sa tuwa.
“Ang totoo niyan may gusto ako—” Hindi na naituloy ni Grace ang susunod na sasabihin niya nang makita niya ang prinsipe.
“Oh! Mahal na prinsipe!”
Dumating si Liam, ang prinsipe.
Lumapit sa kanila si Liam at nagbigay galang silang tatlo sa isa't isa.
“Mahal na prinsipe, nandito ka rin ba para maglakad at magpalipas ng oras?” tanong ni Grace at ngumiti pa.
Eleganteng ngumiti si Liam pabalik.
“Ganoon na nga, kayo rin ba?”
Tumango ang dalawang dalaga.
“Puwede ba akong sumabay sa inyo?” tanong ni Liam.
Tumingin si Grace kay Heroine at nakita niya ang ekspresyon nitong magalang na nakangiti kay Liam. Tumingin naman si Grace kay Liam na nakangiti rin kay Heroine pabalik.
“Hindi ba Heroine ay marami kang gagawin?”
Tumingin si Heroine kay Grace.
“Ah! Oo nga!” Naalala ni Heroine na aayusin niya pa pala ang mga talaarawan niya dahil marami siyang ididikit.
“Mukha nga, maraming kayong ginagawa. Sa susunod na lang siguro.”
Nagpa-alam na si Liam at umalis na.
Naka hinga nang maluwag si Grace at tumingin kay Heroine. Dahan-dahan siyang napangiti.
Nagsimula na muling maglakad sina Heroine at Grace nang tuluyan na nilang hindi nakita si Liam.
Hindi sa kanila sumunod si Hermia at nakalutang lang sa kaninang puwesto nila.
Nakakunot ang noo niya at napapatagilid-tagilid pa medyo ang ulo niya dahil sa pagtataka.
‘Hmm?’ Nagtataka talaga siya! Gusto niyang intindihin pero ayaw naman niyang maintindihan!
“Hehe! Sabi na, eh! Itong Grace na ito talaga! Sa matagal kong panonood ng pasikreto sa iyo Grace, alam kong may gusto ka sa kaniya! Hahaha! Ang galing ko talaga!”
Napa hinto si Hermia sa kakaisip at napalingon sa taong nagsalita sa likod ng isang puno.
‘Binibining Dinah?’
Lumipad palapit si Hermia sa puwesto ni Dinah.
Nakahawak ito sa magkabila niyang pisngi. Namumula ang buo niyang mukha habang nakangiti nang malaki.
“S-s-si Grace! M-may gusto siya kay—kyaaaah! Ang galing! Ngayon lang ito nangyari sa buong buhay ko! Minsan lang ang pangyayari na ito!” Napa-upo na si Dinah at napasandal sa puno.
‘Huh?’ Napa-isip si Hermia sa simulang kita niya kay Dinah.
‘Ah!’ Naalala niya ang mga pinagsasabi ni Dinah kay Grace.
《“Kilala rin kita Binibining Grace. Hindi ba't sikat ka sa pagiging tagahanga ni Binibining Heroine?”
“Noong nalaman ko na ikaw ay tagahanga ni Binibining Heroine ay naisip ko na tignan kung totoo nga ba ang sabi nila, alam mo na, hindi ka puwedeng magtiwala sa mga kuwento-kuwento lang. Kaya... noong nasa piging tayo ay tinignan ko kung totoo, at!”
“Totoo nga ang sabi nila! Nakita kong mayat-maya ang pagtitig mo kay Binibining Heroine. Ah! Alam mo ba sa mga oras na pinagmamasdan kitang naka ngiting naka tingin kay Binibining Heroine na halos mamula na ang iyong pisngi dahil sa kaka-ngiti, bigla tuloy akong napa isip... tagahanga lamang ba ang iyong nararamdaman? Hindi ba't sobrang kakaiba naman noon? Hindi kaya...”
“May nararamdaman ka kay Binibining Heroine na higit pa sa paghanga bilang isang babae!”
At ang reaksyon ni Grace doon ay kakaiba.》
‘Ah...’ Napagtanto na ni Hermia ang lahat pero dahil sa napagtanto niya ay mas lalong gumulo ang lahat.
‘Oh... sa tingin ko wala talagang gusto si Binibining Grace kay papa... sa tingin ko...’
“Grace... Heroine... hihi! Sobrang saya nito! Aamin na sana si Grace kaso itong gagong prinsipe na ito ay umepal! Ha!”
Napasang-ayon si Hermia sa sinabi ni Dinah.
‘Tama, gago ka papa.’
Hindi na ring maiwasang magmura ni Hermia sa mga nalalaman niya.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantastikSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...