“Hindi namin alam kung paano at kailan nawala ang galit ng kalikasan. Pero bigla na lamang iyon nawala, hindi talaga namin alam,” salita ni Enriquez habang ang atensyon ay nasa kay Eli at Teresa.
“Sabi nila binasbasan daw ng diyosa ng Kalikasan ang Teritoryo ng Belmonte, pero... bakit parang gusto ng kalikasan na patayin ang mga tao sa teritoryo?”
Ngumiti na lang si Hermia.
‘Hindi ko alam kung bakit mo sinasabi ito sa akin, pero gusto ko pang malaman. Ayan din ang katanungan ko. Bakit laging nagkakaroon ng lindol, bagyo, at pagbaha rito sa Teritoryo ng Belmonte kada isang araw sa isang linggo?’
Tumingin si Enriquez kay Hermia at ngumiti.
“Huwag kang mag-alala Binibining Hermia, matagal ng nawala ang kada isang araw sa isang linggong may lindol, pagbaha, at pagbagyo.”
Tumango-tango na lang si Hermia.
Kaya sinabi iyon sa kaniya ni Enriquez ay dahil nag-aalala ito na baka matakot si Hermia. Hindi pa nalilinaw sa ibang mga tao sa labas ng Teritoryo ng Belmonte ang bagay na iyon.
Ang akala ng mga ito ay delikado pa rin tuwing isang araw sa isang linggo ang Teritoryo ng Belmonte.
‘Bigla na lang nawala ang nakakatakot na kalikasan...’
May biglang naramdamang kakaiba si Hermia.
Gustong magmura ni Hermia, pero may dalawang bata, nandito sina Enriquez at ang mga katulong na nakahilera.
‘May kakaiba na naman akong pakiramdam! Ohhh! Huwag naman sana! Ano na naman ba ang mangyayari at kakaiba ang pakiramdam ko?! Ahh... dahil ba pipigilan namin ang kamatayan ng mabait na si Enriquez Belmonte?’
Alam ni Hermia na malakas ang pakiramdam niya. Kaya natatakot siya kapag may nararamdaman siyang kakaiba, na para bang may nagbibigay sa kaniya ng mga banta o pinaghahanda muna siya sa mga paparating na pangyayari.
Naalarmahan si Enriquez nang makitang pagod at may yamot sa mukha si Hermia.
“M-mukhang pagod ka na Binibining Hermia, halika at pumasok na tayo sa loob.”
Responsibilidad ni Enriquez si Hermia dahil isa pa ring prinsesa at mas matanda siya rito kaya kailangan niyang alagaan nang mabuti si Hermia.
—
‘Hindi ako makatulog.’
Naiinggit na tumingin si Hermia sa tabi niya. Nakita niyang mahimbing na natutulog sina Eli at Teresa sa tabi niya.
‘Mabilis talagang matulog ang mga bata, pero kapag medyo tumanda na sila ay kaunting tulog na lang ang maitutulog nila dahil marami ng mga isipin ang mga tumatanda.’
Pipikit na sana si Hermia para piliting matulog nang may kumatok sa pinto.
Umayos siya at tumayo. Nagtungo siya sa harapan ng pinto.
“Anong kailangan mo?” mahinahong tanong niya sa taong kumatok.
“Gusto ko lang malaman kung komportable po kayo sa kuwartong binigay namin sa inyo,” sagot ng babae.
“Oo, maraming salamat sa inyo. Mabilis nakatulog ang pusa at ahas ko dahil sa komportableng binigay niyo sa amin.”
Napangiti ang babae sa kabilang pinto.
‘Hindi na ako makapaghintay na makita ka ulit. Ilang taon akong naghintay sa pagkikita natin. Maalala mo na ako.’
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasíaSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...