Kabanata 35: Digmaan (2)

259 21 0
                                    

   “Anong plano niyo, papa?” kalmadong tanong ni Hermia na parang hindi siya nagalit kani-kanina lang.

   “Kami na ang bahala,” simpleng sagot ni Liam sa anak pero halatang may pagod ang mga mata nito.

   “Sige.”

   Tumungo na si Hermia sa personal na silid aralan.

   Umupo siya at sinubsob ang mukha sa lamesa.

   ‘Kapag may nangyaring digmaan, anong tungkulin ng isang Prinsesa ng Kaharian? Ah, sa mga kuwento kailangan protektahan ang mga prinsesa. Napaka walang kuwenta.’

   ‘Kapag laging may digmaan din, may mga bayani. Mga bayaning naging bayani dahil sa sakripisyo. Mamamatay sila para protektahan ang isang bagay. Bakit ganoon? Tapos may mamatayan pa sila ng malapit na tao para lang iligtas ang maraming taong hindi naman nila kilala. Sobrang panget.’

   Tumulala si Hermia hanggang sa bigla na lang dahan-dahan ngumiti ang labi niya.

   “Bakit hindi ko naisip iyon? Hahaha.”

   Lumabas na siya at hinanap niya si Alejandro.

   Natagpuan niya si Alejandro, kasama si Jet at Hero. Nasa silid sa pagsasanay sila.

   “Alejandro, puwede ko bang mahiram ang libro?” tanong niya pagkalapit niya pa lang.

   “Sige, kukunin ko lang sa kuwarto.” Kontentong tumango si Hermia na may ngiti sa labi.

   Pumunta si Alejandro sa sariling kuwarto para kunin ang <The Hero's Sacrifice.>

   Parte na ng Kaharian ng Thelanisus si Alejandro simula noong nangyari ang pag-atake sa Siyudad ng Czyrah. Maraming nagpapasalamat kay Alejandro.

   Bumalik si Alejandro sa silid sa pagsasanay, dala-dala ang libro.

   Inabot niya iyon kay Hermia.

   “Hermia, anong gagawin mo diyan?” usyosong tanong ni Hero.

   “Heto ang magiging gabay natin para makasabay tayo sa Alenua.”

   Napa-uwang ang labi nina Alejandro at Hero hanggang sa napa-

   ‘Ah...’

   Na lang sila.

   ‘Nakuha nila agad kung anong gagawin ko.’ Lalong napangiti si Hermia pero nawala rin agad iyon at napalitan iyon ng kunot na noo nang marinig niya ang mga salita ni Jet.

   “Hindi na ako makapaghintay na maging kulay pula ang mga dagat at lupa!”

   Eleganteng bumaba si Hermia sa karwahe.

   “Prinsesa Hermia. Nagagalak akong makita ka.”

   Sinalubong agad siya ni Everest Dalisay, ang Reyna ng Hearth.

   ‘Everest Dalisay. Ang Kaharian ng Hearth ang pinaghaharian niya. Isa sa mga tauhan ng The Hero's Sacrifice at may malaki siyang galit sa pamilya ng Amos, ang dugo ng mga naghahari sa Alenua.’

   “Magandang araw sa iyo, kamahalan, ang Reyna ng Hearth,” tugon ni Hermia sa Reyna.

   Ngumiti sila sa isa't isa.

   Lumapit sa kaniya si Everest at hinawakan ang mga kamay.

   “Masarap magluto ang kusinera at kusinero ng Hearth,” malumay na wika ng reyna.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon