Tumango-tango na lang si Hermia sa mga kasamahan niyang hindi matanggap ang nabasang libro.
Humikab si Hermia.
‘Naantok pa ako. Matutulog ako. Hindi ko alam kung maniniwala sila sa kuwento o hindi nila magtanggap. Wala silang magagawa.’
“Papa, ayos lang iyan. Kilala ko ang gumawa niyan. Bumalik na po kayo sa palasyo, marami pa kayong gagawin. Paumanhin sa abala. Pati kayo nadadamay sa kaaway ko,” salita ni Hermia.
Hinawakan ni Liam ang magkabilang balikat ni Hermia at diretsong tumingin sa mata ng anak.
“Kung kailangan mo kami. Pumunta ka lang sa amin. Pero kung nahihiya ka, wala akong magagawa kung hindi ay ang kusang tulungan ka.” Ngumiti si Hermia kahit na inaantok na.
“Pa, kailangan kita. Malapit na akong maabusan ng istak ng mga alak. Baka naman, oh...” sumulpot si Hero sa tabi nina Hermia at Liam.
Natawa si Liam at malumay na tinapik-tapik ang likod ni Hero.
“Sabihin mo lang kung ilan at kung ano pang kailangan mo.”
‘Gusto ko ng maraming pera, pero nahihiya ako. Lalapit kaya sa akin si Papa na may hawak nang pera. I-aabot na lamang niya sa akin iyon. Sana oo,’ Hermia.
Bumalik na sa palasyo sila Liam.
Bumalik na rin si Hermia dahil antok pa rin siya.
‘Maninira na nga lang ang may-akda hindi pa marunong,’ Hermia.
—
“Mahal na prinsesa.”
May gumising kay Hermia.
‘Alam ng lahat na hindi na ako prinsesa. Binibini na ang tawag sa akin kaya bakit may tumatawag pa rin sa akin ng ganiyan?’
Dahan-dahan nang minulat ni Hermia ang mata niya.
Nang magtama ang mata niya at ng babaeng katulong ay napa-atras ito sa kinatatayuan.
Umiwas ito ng tingin.
“Pinapatawag po kayo ng dating hari,” salita nito na ikinataka ni Hermia.
“Ang dating hari? Nababaliw ka na ba? Patay na iyon, eh” natatawang tanong at sabi ni Hermia.
Nanginig ang mga mata ng katulong. Natatakot ito.
Inikot ni Hermia ang mata niya sa paligid. Nagtaka siya dahil nasa sariling kuwarto siya noong nasa palasyo siya.
‘Hindi. May katulong na gumising sa akin at pinasabog ko na ang kuwarto ko kaya anong nangyari?! Inuwi ba ako rito ni papa ng pasikreto habang natutulog ako?!’
“M-mahal na prinsesa, ang dating hari ay masigla pa.”
Parang nabuhusan si Hermia ng malamig na tubig sa katawan dahil sa tugon sa kaniya ng katulong.
‘Ano na naman ang nangyayari?!’
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasíaSi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...