Kabanata 94: Davino (7)

121 13 0
                                    

   ‘Napansin na nila ako sa wakas! Sulit talaga ang panggugulo ko kaya napansin na ako ng mga Diyos at Diyosa! Whahahaha!’ Davino.

   “Mukhang maasam mo na ang gusto mo, ah?” Hermia.

   “Mhm, hindi na ako makapaghintay na tuluyang mawala at hindi mabuhay.”

   ‘Hmp, ang saya kayang mabuhay. Sabagay dating diyos kasi siya,’ Hermia.

   Masamang tumingin si Hermia kay Davino. ‘Magaling din ang lalaki na ito. Sa simula pa lang ay planado na niya. Napaka-utak at magaling magkunyari.’

   “Oo nga pala, bakit The Hero's Sacrifice ang pamagat ng ginawa mong kuwento?”

   “Ang kalayaan at pagsakripisyo ng pag-asa niya ay nawala, lagi na lamang umaasa ang mga tao sa kaniya dahil hero o bayani siya,” sagot ni Davino habang ang atensyon ay nasa matulis na bagay pa rin.

   Medyo natamaan si Hermia sa sinagot ni Davino dahil umaasa rin siya kay Alejandro dahil isa itong bida.

   ‘Kailangan ko yatang pagbakasyonin ni Alejandro. Bakit ko nga ba nakalimutan ito habang binabasa ko ang kuwento?’ Hermia.

   “Sige, ikaw na ang bahalang sumaksak sa sarili mo,” huling wika ni Hermia bago lumabas ng kuwarto.

   ‘Kapag sinaksak na niya ang sarili niya ay makakabalik na ako.’

   Nakahiga si Hermia sa napapalibutan ng mga bulaklak.

   “Bakit hindi pa rin siya gumising?” kinakabahang tanong ni Hero.

   Ilang araw nang tulog si Hermia kaya nagsisimula ng kabahan ang mga kasamahan niya.

   ‘Hindi pa rin siya bumabalik, ano pa bang pinaggagawa ng mga Diyos at Diyosa kay Hermia?’ tanong naman ni Amari sa isip.


   PARALLEL UNIVERSE.

   “Balita ko patay na ang dating hari at ang kanang kamay nito?” tanong ng isang mamamayan.

   “Pati rin ang prinsesa,” singit din ng isa.

   “Hindi pa patay ang prinsesa! Alam niyo ba ang nabalitaan ko sa mga tao roon sa Teritoryo ng Belmonte? Bumaba ang Dragon sa Bundok ng Kagandahan para puntahan ang Prinsesa dahil nalaman niyang namatay ang apo niya!”

   “Kaya siya nagtungo sa burol ni Prinsesa Hermia para gamutin!”

   Mas lalo silang nagbulungan.

   Kahit na takot silang maging reyna si Hermia ay naawa sila rito.

   Nagtungo nga talaga ang Dragon, si Amari.

   “Nabasa ko ang pinadala mong sulat, Heroine.”

   Mabilis siyang niyakap ni Heroine at umiyak.

   “Pakiusap, tulungan mo ako. Alam kong buhay pa ang anak ko.”

   Malumay na tinapik ni Amari si Heroine sa ulo habang nakayakap ito sa kaniya.

   Bumitaw na si Heroine kay Amari at hinila ito palapit kay Hermia na mahimbing at payapa na nakapikit.

   Nilabas ni Amari ang mga iba't ibang klaseng gayuma.

   Lumingon siya kay Heroine.

   “Nararamdaman kong may pag-asa pang maibalik ko si Hermia pero... hindi ko kaya.”

   Natigilan si Heroine.

   “Pero makakaya ko kaya sinama ko rin ang kakilala ko.”

   Nakaramdam si Heroine ng pag-asa muli. Napansin ni Heroine na nakatingin si Amari sa likuran niya.

   Nang lumingon siya ay dalawang magandang babae ang nakita niya.

   Katulad ng buhok ni Hermia na asul, ganoon din ang kulay ng buhok ng isang babae, asul ang mga mata nito.

   Ang isang babae naman ay kulay pula ang mga mata, mala pula na kayumanggi ang buhok nito.

   “Heto ba ang pamangkin ko?”

   Nakalapit na ang babaeng kayumangging pula ang buhok at pulang mga mata kay Hermia. Pinaglaruan niya ang buhok ni Hermia sa daliri. Si Lilith.

   “Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng apo. Akala ko hindi mag-aasawa si Liam,” natatawang salita naman ni Murin. Ang babaeng asul ang buhok at mata.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon