Kabanata 3: Nakaraan (3)

2.6K 94 0
                                    

   May naririnig akong kumakantang babae.

   “Hmmm... hmmm...”

   Sinong kumakanta?

   Medyo lumiwanag na ang buong paligid ko.

   Sa tapat nang bintana ay may naka-upo roon. Nakatalikod ito sa akin.

   Patuloy lang ang pagkanta niya at sinasabayan pa siya ng mga huni ng ibon.

   Medyo lumapit ako para makita siya ng tuluyan.

   Sino...

   “Mama?”

   Nakangiti siyang kumakanta habang malumanay na hinihimas ang malaki niyang tiyan.

   Nang natapos na siyang kumanta ay lalong lumaki ang ngiti niya.

   Sobrang ganda niya lalo na't tuwing ngumingiti siya.

   “Ang pangalan mo ay Hermia, wala man lang iyong magandang dahilan kung bakit Hermia ang magiging pangalan mo, pero para sa akin ay espisyal ang pangalan na iyon lalo na't kung tuwing gigising ka ay tatawagin ka ng mga tao sa pangalan na iyon.”

   “O kaya kung magiging lalaki ka ay ang magiging pangalan mo ay Hero.”

   Si Hero. Ang kambal ko.    

   “Ano bang sinasabi niyo? Hindi niyo ba ako nakikita at naririnig?” tanong ko.

   Pero hindi niya ako pinansin. Mukha ngang hindi nga niya ako naririnig o nakikita.

   “Hermia... Hero... napaka gandang pangalan.”

   Hindi ko maintindihan... akala ko wala siyang pakielam sa akin?

   O baka noong nilabas na niya ako ay bigla na lang siyang nawalan ng pake sa akin?

   Hindi ko maintindihan. Nalilito ako. Ano bang nangyayari?

   Hindi, sa amin dalawa ni Hero pala. Bakit ba lagi kong nakaka limutan na may kakambal ako?! Ah, sabagay. Matagal na rin simula noong magkita kami. Tsk.

   Umiling na lang ako at itinuon ang atensyon kay mama.

   Hinawakan ko siya at nagulat ako nang bigla na lamang lumiwanag ang buong paligid ko.

   Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko nang umayos na ang paningin ko at nagulat ako ng nasa lugar ako kung saan may mga maraming tao.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon