Kabanata 87: Ang Kuwento (17)

110 13 0
                                    

   “H-Hermia!” nanghihina at desperadang tawag ni Heroine.

   Nakahiga si Hermia sa napapalibutan ng mga bulaklak. Payapa ang buong mukha ni Hermia.

   Nakatulala lang sina Hero, Erik, Johan, Eli, at Teresa sa burol ni Hermia.

   ‘Sabi niya kapag namatay na ang kontrabida sa kuwento ay makakabalik na kami, pero bakit nandito pa rin kami kung patay na siya?’ nagtatakang tanong ni Hero.

   Nanghina ang tuhod ni Heroine kaya mabilis siyang sinuportahan ni Grace at si Liam na kanina lang dumating.

   Tumutulo ang mga luha ni Grace. Habang si Liam naman ay namumula ang mga mata.

   “Nasaan nga pala si Alejandro?” walang buhay na tanong ni Hero.

   “Susunod na lamang daw siya, may aasikasuhin pa raw siya,” tugon ni Erik.

   ‘Anong mangyayari kapag nakabalik kami? Mawawala ba kami rito? Kung ganoon, marami kayang magtataka kung bakit bigla na lamang kaming maglaho?’ Erik.

   Nanghihinang pilit inaabot si Alejandro nina Paham at Logan.

   “T-t-tumawag ka ng tulong...”

   Malamig na nakatingin si Alejandro sa ibaba.

   Parang nakaluhod sa kaniya ang dalawa.

   “Ayaw niyo na bang maghirap?” kalmado pero malamig na tanong ni Alejandro sa dalawa.

   Mabilis na tumango ang dalawa.

   Dahan-dahan nilabas ni Alejandro ang espada. Lumaki ang mata nina Paham at Logan.

   “A-a-a-ano s-sa tingin mo ang ginagawa mo?!”

   “I-itigil mo iyan!”

   ‘Paumanhin, Hermia. Hindi ko susundin ang kagustuhan mong dahan-dahan mamamatay ang dalawa. Mas maganda siguro kung mamatay na sila.’

   Tuluyan nang tinaas ni Alejandro ang espada na ikinamatay nang tuluyan ng dalawa.

   Pagkatapos din noon ay dahan-dahan naglalaho ang katawan ni Alejandro.

   Oras na para bumalik sila.

  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon