Nagkasalubong sina Alejandro, Mago, Erik, Hero at Jet.
“Ano na kayang nangyari sa kanila?” tanong ni Hero na may kasamang pag-alala.
“Huwag kang mag-alala, kasama naman ni Hermia sina Lolo Johan at ang Dragon,” tugon ni Mago kay Hero.
Nawala ang pag-aalala ni Hero. Tama naman kasi si Mago.
“Hmm?” Napansin ni Erik sa malayuan ang rebulto ng mga tao.
Nang maamoy niya ito ay naalarmahan siya.
“Ang mga tigre,” wika niya sa lahat at napansin na rin iyon ng lahat kaya naalarmahan sila.
Patungo ang Pangkat ng mga Tigre sa direksyon nila.
“Oh... anong ginagawa niyo rito?”
“Baka gusto na nilang mamatay.”
“Hindi nila mahal buhay nila. Tsk, tsk.”
Kumunot ang mukha nila Alejandro.
“Tanga,” Erik.
“Bobo,” Hero.
“Mukha kang madugo,” Jet.
Napahawak si Mago sa bibig niya at napa-upo para pigilang matawa. ‘Hindi talaga ako nagsising sumama kay Hermia! Whahaha! Mga baliw sila! Lalo na ang tarantadong si Jet.’
Nagtaka ang inosenteng si Alejandro. ‘Kami? Gusto na naming mamatay at hindi namin mahal ang buhay namin? Paano sila nakakasigurado?’
Sa pag-iisip ni Alejandro, may lumusob sa kaniya at mabilis niya iyon nasalag.
“Mwhahaha!”
Hindi na mapigilan ni Mago matawa. ‘Mga bobo! Bakit niyo kinakalaban ang mga bida ng The Hero's Sacrifice? Hindi kayo mananalo!’
“Anong nakakatawa?” tanong sa kaniya ng tigre.
Tumahan muna si Mago bago sagutin ang tanong sa kaniya, “Natatawa lang ako kung gaano ka kawalang utak.”
Sumama ang mukha nito at nilusob siya. Gumawa siya ng kalasag sa paligid niya gamit ang mahika at natatawa dahil sa pagkasabik. Hinagisan niya ng apoy ang tigre.
‘Ang saya,’ Mago.
Hanggang sa naglalaban na ang grupo nila Alejandro at ang Pangkat ng mga Tigre.
Makalipas ang labanan, nagsisi ang Pangkat ng mga Tigre.
‘Tarantado! Bakit ang lalakas nila?!’
‘Hindi sila normal na tao!’
‘Putangina! Akala ko mahihinang tao lang sila?! Ang babata pa nila! Ang galing manloko ang putangina!’
“Balik! Mga bobo! Anong kagaguhan ito?!”
May sumulpot na malaking tao.
Ang pinuno ng Pangkat ng mga Tigre.
Wala nagawa ang mga tigre kung hindi ang sumunod sa pinuno nila. Nagpapasalamat sila dahil dumating ang pinuno nila, dahil kung hindi mapipilitan silang makipaglaban kahit na alam nilang matatalo sila. Masasaktan ang pagmamalaki nila.
“Hindi ba kayo nahihiya sa kaniya!”
Tinuro ng pinuno ang katabing lalaki.
Ngumiti lang ang lalaki.
Nagtama ang mata ng lalaki at ang mga mata ni Alejandro.
“Huh?...” gulat at nagtataka ang lumabasa sa labi ni Alejandro.
Kahit nakamaskara ang lalaki, alam ni Alejandro kung sino iyon.
“Class President?”
Ngumiti ang lalaki sa kaniya at kumaway.
“Alejandro, kumusta?” tanong at kumusta nito kay Alejandro.
Sumingasing si Mago sa lalaki. Pero nagtataka siya kung anong nangyayari sa dalawa. Alam niyang hindi talaga taga rito si Alejandro. Pareho pa ng kulay ng buhok at mata ang dalawa. ‘Ngayong nagkita na ang may-akda at ang bida. Ano ng mangyayari?’
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...