“Ikaw! Nang dahil sa mga pinagsasabi mo kay Hermia ay nahulog siya! Kung hindi mo siya ininis, hindi sana siya tatakbo at mahuhulog sa hagdan!”
Salubong agad ni Grace kay Liam.
Hindi nagsalita si Liam at umupo sa tabi ng hinihigaan ni Hermia.
Ilang oras ng hindi minumulat ni Hermia ang mga mata niya.
Nandoon si Grace bago mahulog si Hermia at narinig niya ang mga pinag-usapan ng mag-ama.
‘Ayoko talaga sa lalaki na ito. Nang dahil sa kaniya ay nasira ang buhay ni Heroine! Kaya ginagawa ko talaga ang lahat para lang hindi maka lapit sa kaniya si Hermia. Wala siyang karapatang maging ama.’ Umupo si Grace sa kabilang upuan.
‘Hindi ko talaga makaka limutan kung gaano umiyak sa akin si Heroine pagka-uwi ko. Ang kapal din ng lalaking ito dahil sa mismong kuwarto pa namin ni Heroine niya ginawa iyon!’
“Ikaw...” tawag ni Grace kay Liam pero hindi siya nito tinignan.
“Hindi ka ba nagsisi o nakonsensya man lang sa ginawa mo kay Heroine?”
Matagal ng gustong itanong iyon ni Grace kay Liam simula noong nangyari ang bagay na iyon.
“Maniniwala ka ba kung hindi ko alam kung anong nangyari sa akin noong mga oras na iyon?”
“Ha!”
Gustong tumawa ni Grace sa sinagot sa kaniya ni Liam.
“Kung anong nangyari sa iyo? Nagpapatawa ka ba?” Hindi talaga makapaniwala si Grace sa lalaking sumira sa ka-inosentehan ni Heroine.
Tumahimik ng ilang sandali.
“Ang dating hari at ang kanang kamay nito, ang iyong ama—”
Pinutol ni Grace ang sasabihin ni Liam.
“Wala akong sma.”
Tumango si Liam at pekeng umubo.
“Ang dalawang iyon. Nilagyan nila ng gayuma ang tsaang ininom ko. Kung alam ko lang na may gayuma iyon ay hindi ko iyon iinumin,”
“Hinanap ko ang katulong na nagbigay sa akin ng tsaa.”
Hindi alam ni Grace kung maniniwala siya sa mga pinagsasabi ni Liam pero noong binanggit ang dating hari at ang ama niya ay nakaramdam siya ng kakaiba. Alam niyang masama ang kulay ng dating hari at ang ama niya.
“Anong ginawa mo sa katulong?” usyosong tanong ni Grace kay Liam.
“Tinatanong pa ba? Pinatay ko. Plano ko rin sanang patayin ang dating hari at ang kanang kamay nito pero mukhang may nauna na sa akin.”
Napatango at tumaas na lang ang kilay ni Grace sa sagot ni Liam.
Medyo naka ramdam ng kapayapaan ang dibdib ni Grace dahil sa wakas ay nalaman na rin niya ang dahilan ni Liam. Pero kahit ganoon ay nayayamot pa rin siya sa tuwing nakikita niya si Liam.
Naalala niya kung gaano umiyak si Heroine sa kaniya dahil sa pangyayari na iyon.
Gusto niyang saktan ang taong kasama niya sa kuwarto. Kung hindi lang nandito si Hermia ay gagawin niya iyon.
Alam din ni Liam na may galit sa kaniya si Grace at alam niyang wala siyang ginawang masama kay Grace pero galit na galit talaga sa kaniya si Grace. Kaya doon din siya nagsimulang magalit at mainis kay Grace.
“Kamahalan!” Malakas na bumukas ang pinto.
Kumunot ang noo nina Grace at Liam.
“May binigay na sulat si Binibining Dinah!”
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...