Makalipas ang 10 na taon...
Nagtatago ang bata sa likod ng puno.
“Luzvimindo! Alam kong nandyaan ka! Whahaha!”
Napahawak nang mahigpit ang dalawang kamay ng batang lalaki para pigilang matawa.
“Pfft!”
Dahan-dahan na humakbang ang mama ni Luzvimindo at pasimpleng sumilip sa bata na nakasandal sa puno at pinipigilang tumawa.
Lumingon at tumingala si Luzvimindo dahil may naramdaman niyang may mahabang hibla ng buhok ang dumikit sa pisngi niya.
Nagtama ang mga mata ni Luzvimindo at ng mama niya.
Napatayo siya at tumakbo. Sumisigaw na natatawa siya dahil sa pagkagulat!
“Hoy! Luzvimindo! Huwag ka ngang lumayo sa akin!” sigaw sa kaniya ng mama niya at hinabol na naman siya.
Sa masayang pagtakbo ni Luzvimindo ay may nabangga siyang tao.
“Tinatakbuhan mo na naman ang mama mo?” malumay na tanong sa kaniya ng nabangga niya.
“Papa,” pagtawag ni Luzvimindo rito.
Binuhat siya ng lalaki.
“Alejandro! Tinatakbuhan na naman ako ni Luzvimindo! Ayaw niyang kumain ng gulay na binigay pa sa kaniya ng Tiya Dayang niya!” pagsumbong ni Hermia kay Alejandro.
“Hmm? Ayaw mong kumain ng gulay, Luzvimindo? Akala ko ba gusto mong lumakas katulad ko?” Nagkunyari pang nagulat si Alejandro.
“Hmp, ang pangit kasi ng lasa nila!” reklamo ni Luzvimindo.
“Kahit na, hindi ba gusto mong lumakas katulad sa papa mo? Kaya bakit ka natatakot sa mga gulay?”
Dahil sa sinabi ni Hermia ay napapikit nang mariin muna si Luzvimindo bago sumagot.
“Sige na nga.”
Bumaba na sa pagkakabuhat si Luzvimindo at humawak sa kamay ni Hermia.
“P-paumanhin,” nahihiyang paumanhin ni Luzvimindo kay Hermia dahil pinagod niya ang mama niya.
Napangisi si Hermia sa anak nila ni Alejandro.
“Huwag kang mag-alala, bibisita tayo sa palasyo para makita mo muli ang Tiyo Liam at mga pinsan mo. Pati rin pala sina Lola Grace at Lolo Liam mo. Bibisitahin din natin si Lola Amari, Lola Murin o kung gusto mo bisitahin natin ang lahat.”
Nabuhayan ang mukha ni Luzvimindo.
“Whahaha! Dapat kanina mo pa ako sinabihan na magpapagana sa akin sa pagkain!”
Natawa na lamang sina Alejandro at Hermia sa anak nila.
Umuwi na sila sa bahay para kumain.
Bago nagkaroon ng anak at nagpakasal sina Hermia at Alejandro naging magkaibigan muna sila at kalakaunan ay nagkagustuhan. Noong apat na taon na sila ay na-isipan na nilang magpakasal.
Nakagawa sila ng simple at magandang pamilya.
BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...