Kabanata 16: Nakaraan (16)

1K 41 5
                                    

   Nakatulala lang si Grace sa lapida.

   Nasa tabi niya si Hermia.

   ‘Bigla tuloy akong napa-isip, baka hindi talaga ako tinulak ni Binibining Grace?’

   Bumuntong hininga na si Grace at nagsimula nang maglakad paalis.

   Isang oras na siyang nakatulala sa harapan ng lapida.

   ‘Kailangan ko ng umuwi, baka naghihintay na sa akin si Heroine.’

   Sumunod ulit si Hermia kay Grace.

   Nang makalabas na sina Grace at Hermia sa sementeryo ay may humintong karwahe sa harapan nila.

   “Grace?! Bakit ka nandito?!” gulat at galit na tanong ni Logan sa anak niya.

   Kumunot ang noo ni Grace at Hermia kay Logan.

   Mabilis lumabas si Logan sa karwahe at hinawakan sa magkabilang balikat si Grace, naalarmahan naman si Hermia.

   “Hindi ka dapat nandito! Diba sabi ko ay pumunta ka sa mahal na Prinsipe dahil may kailangan kayong pag-usapan!”

   “Ano namang pag-uusapan namin?” may inis na tanong ni Grace sa ama niya na parang nababaliw dahil hindi ito mapakalma.

   “Bwiset naman! Bumalik ka na ngayon na!”

   “Pabalik na nga ako. Tsk.”

   Inis na tinanggal ni Grace ang kamay ng papa niya sa magkabila niyang balikat.

   “Bilisan mo! Ha... hindi pa huli ang lahat, tama.”

   Nakaramdam ng masamang pakiramdam si Hermia dahil sa kinikilos ni Logan.

   ‘Hmm?’ Nagtaka si Hermia dahil bigla na lamang siyang nilamon ng liwanag kahit na hindi naman siya humawak sa mga tao rito.

   Nag-iba na ang oras, araw, lugar, at senaryo.

   Nasa harapan niya ang Papa at Mama niya.

   Lumingon-lingon siya sa paligid at lumaki ang mata niya nang napagtantong kokoronahan na ang papa niya.

   “Napaka desperada talaga ni Binibining Heroine.”

   Napatingin si Hermia sa grupo ng mga babae.

   “Ginamit niya ang katawan niya para lang manalo at maging Reyna. Tsk, tsk.”

   Umiling-iling pa ang mga babae.

   ‘Huh... kung ganoon...’

   Lumapit si Hermia sa harapan para makita niya ang mga magulang niya.

   Nasa pinaka mataas na entablado ang hari, si Paham, ang prinsipe, si Liam at si Heroine.

   May kumplikadong ekspresyon ang Hari.

   “Heto na ang araw na hinihintay nating lahat!” salita ng isang taong nasa baba ng entablado pero malapit siya sa puwesto nina Paham, Liam, at Heroine.

   “Ang araw na kokorahan si Prinsipe Liam Basilio at ang magiging ina ng Kaharian natin, si Binibining Heroine!”

   Naghiyawan ang lahat, lalo na ang mga mamamayanan ng Kaharian.

   Nasa itaas na rin si Hermia ng entablado.

   Mugto ang mga mata ni Heroine at nakahawak siya sa tiyan niya.

   “Ayos ka lang?” malumay na tanong ni Liam kay Heroine.

   Tumango lang si Heroine.

   ‘Hindi... anong nangyari?!’

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon